Chapter 32

1.5K 91 5
                                    

CHAPTER 32

CHESKA POV

Nandito ako ngayon sa kwarto at nakatingin sa salamin. Kanina pa ako nakaayos at handang-handa na ako para mamaya. Naka upo nalang talaga ako dito sa harap ng salamin. Habang nakatingin sa mukha ko mula sa salamin.

Kinakabahan ako, hindi pa naman ito ang araw ng kasal namin ni marcus pero bakit ganto nalang yong kaba ko? Kanina pa ako hindi mapakali, hindi ko maintindihan. Naka make up na naman ako at nakaayos na pero bakit nag dadalawang isip pa ako sa itsura ko?

Maganda na ba ako? Ayos na kaya to? Hindi ba ako pangit tignan?

Jusko pano pa kaya pag araw na ng kasal namin. Paniguradong mas kakabahan pa ako lalo. Wag naman sana.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok ng dalawang beses. Bumukas ito at iniluwa si mommy.

"Ohhh look how beautiful you are, baby" iniharap ulit ako ni mommy sa harap ng salamin. Tinignan niya ako mula don."Your dress fits you well" ngumiti pa ito kaya nginitian ko din pabalik.

Nakasuot ako ngayon ng white simple dress na may cut sa gilid. Pinarisan ko ito ng white 3 inch sandals at white handbag.

Hindi ko pa kasal pero naka purong puti ako. Yon din kasi sabi nila, kailangan daw naka puti ako para mabilis nilang mahanap kung sino yong fiance ni marcus.

"Thanks mom"

"Siguradong matutuwa si marcus pag nakita ka na niya. Baka nga mapanga-nga pa yon lalo na sa kasal niyo" tumawa pa ito at binigyan ako ng mapanuksong tingin kaya naman agad ko siyang sinuway.

"Mom, arrange marrage lang ang lahat. Hindi ito, totoong kasal na ginawa talaga namin." iniharap niya ako.

"But marrage is marrage. Magkaka inlove-an rin naman kayo at hindi magtatagal baka mabigyan niyo pa ako ng apo-"

"Mom!" suway ko ulit. Baka mamaya, may makarinig.

"Ok, I will shut my mouth.. By the way, the driver is waiting for us downstair. So stand up and ready your self, let's go" inalalayan pa ako nitong tumayo.

Bago pa kami makalabas, pinigilan ko muna siya na ikinalingon niya.

"Teka lang mom, I just need to call someone" nilingon niya ako ulit.

"Who?"

"My friends" tumango ito.

"Oh ok. I will wait you nalang sa kotse" tumango lang ako't ngumiti.

Kinuha ko ang phone ko mula sa couch at dinial ang number ni nicka ng makalabas si mommy ng kwarto ko.

Nakadalawang ring lang ito ng may sumagot. Boses ni nicka ang bumungad.

[Cheska? Bakit?]

"Nasan na kayo? Papunta narin ba kayo?"

[Mm wala pa, Nag aayos pa si bella pero susunod kami]

"Pano yan, wala akong makakausap don. Alam niyo naman na puro ka business partner nila mommy and nandon, idagdag pa ang mga kakilala nila marcus na baka buong angkan ang dadating" narinig ko siyang tumawa sa kabila.

[Don't worry my friend, dadating kami. Saka hindi ka naman pababayaan ng mapapangasawa mo, nandiyan naman si marcus]

Natahimik ako sa sinabi niya, napakagat labi din ako at napakurap-kurap. Hindi ako sanay na tinatawag nilang mapapangasawa ko si marcus. Parang mas ok na sakin kung marcus nalang ang itawag nila.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon