Chapter 29

1.5K 100 0
                                    

CHAPTER 29

ZACK POV

Matapos ng kaunting celebration sa bar kanina, umuwi na kami. Medyo natagalan kami ng uwi dahil narin pinag usapan namin yong mga kabaliwan namin noon.

Actually si vince at sofia naging kasama namin noon sa velvet, gaya namin naging sikat din sila pero sa kasamaang palad kinailangan ni vince lumuwas ng maynila para ma interview siya sa isa sa mga sikat na modeling company. Naka ilang ulit din siyang nag apply don pero hindi siya tinanggap. Tinanggap lang siya nung malaman ng ceo ng kompanya na naging maskulado ang katawan niya.

Nung mga araw na hindi siya tinanggap. Nag pursige ng maigi si vince para makapasok sa modeling company. Hindi siya tumigil sa pag gy-gym hanggat hindi sumasakto yong katawan at timbang niya sa mga matatanggap.

Si sofia naman, siya ang naging isa sa mga naging bestfriend ni erika. Siya din ang girl-friend ni vince mula bata pa, childhood girl-friend kung baga. Hindi din siya umalis sa tabi ni vince. Siya lagi ang nandiyan kapag nagka problema yang si vince kaya siguro nagkahulogan ang loob nila sa isa't-isa.

Umuwi lang talaga sila kanina galing sa london para makita kami at syempre. Para narin ibalita na ikakasal na sila.
------

"Wait babe" napasulyap ako kay erika ng hawakan niya ako sa braso.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" sulyap ko sa kaniya. Hindi ko siya malingon dahil nagmamaneho pa ako. Umiling naman siya.

"Wala, look, may babae." turo niya sa unahan. Kaya naman nilingon ko ito. Isang babaing naka jeans at naka suot ng shirt. May dala-dala din siyang bag mula sa likod niya.

Nakatayo siya at mukhang may kausap sa phone. Binalik ko naman ang tingin kay erika at kinunutan siya ng noo.

"What about her?" nilingon niya ako. Inihinto ko naman ang kotse sa gilid ng kalsada.

"Gooood babe, it's still 4am and yet their she is.. Walking alone on the street. Pano kung mapano siya? Malapit pa naman dito yong bar baka may makasalabong siyang lasing at mapagtripan siya"

"And then what?"

"And then maybe.. Maybe we take her a ride-"

"What?! Why? Babe hindi natin siya kilala baka mamaya kung ano-ano nalang hahawakan niya dito sa kotse."

"Don't be so rude. Mukha naman siyang mabait. Saka familiar din siya sakin. Parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko matandaan.." hinawakan niya ang kamay ko."Please, let's take her a ride. She's lonely. Wala padin masyadong sasakyan ang dumadaan."

"But-"

"No but's" pagputol nito. Napahilamos naman ako sa mukha sa kawalang magawa.

"Ok, ito na" pagsuko ko. Pinaandar ko ulit ang sasakyan bago binusinahan ang babae na mukhang nagulat pa ng kunti. May kinausap pa siya sa phone niya saka siya lumingon.

Pero nangunot lang ulit ang noo ko ng maaninag ang mukha ng babae.

"Oh, it's bella. I knew it, that's why she's familiar" sabi ni erika mula sa gilid ko pero hindi ko siya pinansin.

Ano namang ginagawa ng babaing to ng ganitong oras? At san siya galing? Sinong pinuntahan niya?

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni bella kaya naman tinanggal ko ang seatbelt bago lumabas ng kotse.

"Paharang-harang ka kasi!" sigaw ko na totoo naman. Maliit lang ang kalsada dito. Ang bar na pinasukan namin kanina ay papasok. Kunti pa lang din yong mga stores na katabi nong bar."Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?"

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon