Chapter 18

1.8K 108 1
                                    

CHAPTER 18

Isa-isa kaming nagsi baba sa mga kotse ng makarating sa bahay nila zack. Tinignan ko naman ang malaking bahay sa harap namin. Andito na naman ako, bigla tuloy pumasok sa utak ko yong araw na nalasing ako at dito na nagising sa bahay nila zack.

Ano ba talagang nangyari nung nalasing ako? Bakit ayaw parin sabihin ni zack? Nilingon ko si zack na pababa pa lang sa kotse, tumingin siya sakin na nakakunot ang noo kaya umiwas nalang ako. Gusto ko siyang tanungin pero baka iiwasan na naman niya yong tanong ko at hindi sagutin kaya wag nalang.

Wala sila jasper at kath, nagpaalam silang didiritso nalang muna daw sa isang supermarket para bumili ng midnight snacks and beer syempre. Si marcus naman ganun din pero bibili lang siya ng cake, kailangan parin yon para sa celebration namin. Kaya naman anim nalang kaming naiwan. Si zack, kurt, lily, cheska, nicka at ako.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa bahay. Chandelier ang unang bumungad samin. Ngayon ko lang ito napansin, di ko kasi ito napansin nong nandito ako.

Agad kami dumiritso ni nicka at cheska sa living room. Kulay puti ang malaki nilang sofa at single sofa. Tinted glass naman ang kanilang lamesa, may grey carpet din ang sumakop sa gitna ng living room. Dumiritso muna sila zack at lily sa taas para makapag bihis. Si kurt naman nagpaalam at pupunta muna daw sa cr.

Naka upo lang ako at nakikinig sa kinu-kwento ni nicka. Hindi ako makarelate lalo na si cheska na puro libro lang ang hawak, may nakita daw kasi siyang gwapo sa basketball court kahapon sa v.a at sayang daw dahil di niya natanong yong pangalan. Panay pakinig lang kami ni cheska sa sinasabi ni nicka pero habang tumatagal eh nabo-bored na ako. Gusto kung may pag lilibangan, gusto kung magluto pero baka magalit sakin si zack dahil nangingialam ako ng gamit nila. Wala din akong nakitang maids baka rest day nila ngayon.

Napalingon ako sa may hagdan ng makarinig ng footsteps. Pababa si zack at sakto, dumiritso siya ng kusina. Hindi man lang kami binalingan, napaka sungit tsk. Tumayo ako at nagpaalam kila nicka. Agad akong sumunod sa dinaanan ni zack. Naabutan ko siyang nagsasalin ng tubig sa baso. Tumikhim ako para maagaw ang kaniyang attention. Napalingon siya sa gawi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito. Uminom naman siya ng tubig sa baso niya habang nanatiling nakatingin sakin. Imbis na sagutin siya ay nagtanong din ako.

"Nasan ang pamilya mo? Bakit di ko nakita?" Binaba niya ang basong hawak ng matapos uminom. Tumalikod siya at humarap sa lababo para hugasan ang ginamit niyang baso.

"Have a business trip" tumango ako.

"Eh yung mga yaya's?"

"Restday" sabi na eh. Tinignan ko naman ang kaniyang ginagawa.

"Kahit papaano may may bait karin pala ano?"

"Tsk matagal na akong mabait" napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Wow!.. Naalala mo ba lahat ng kagaguhang ginawa mo sakin at sa lahat ng binully mo? Lahat ba yon mabait para sayo?" kaembyerna, iba ang pagkakaintindi niya ng mabait jusmeyo! Nilingon niya ako.

"Naiinis lang ako lalo na sayo, masyado ka kasing pakialamira. Ok na sana eh nangialam ka lang kaya damay ka. Kung tutuusin nga maswerte ka dahil ikaw lang ang tanging babaing nakatabi sakin. Lahat ng babae sa v.a gusto nila akong makatabi pero di nila magawa dahil alam nila ang mangyayari sa kanila, kita mo naman diba? Di kita tinigilan sa pambubully pero sadyang matigas ang ulo mo kaya pinabayaan nalang kita-"

"Oh eh ano naman? Big deal na ba yon? Dapat na ba akong magpasalamat?!" sarcastiko kung sabi. Napataas siya ng kilay, alam mo kung hindi ko lang talaga to kilala, mapagkakamalan ko talaga itong bakla.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon