04: Adhesive Glue

2.5K 112 0
                                    

Umaga palang nagising na ako. Nilinis ko ang kwarto bago dumiritso ng banyo. I did my morning routine as always for at least 30-40 minutes.

Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko.

Ganito pala ang feeling kapag wala kang inaalalang trabaho sa gabi. It makes you productive to do a lot of things. Nakakatulog pa ng mahimbing.

"Aga mo, uh? May nakain ka ba?" Natawa siya. Tinulungan ko siyang bitbitin lahat ng dala niya. Naghila ako ng upuan bago umupo.

"May gagawin ako. Pupunta ako ng library para magreview." Sabi ko.

"Teka, pano 'yan? Sinong maghahatid sa'yo? 'Yong kotse ko sira pa. Hindi ko pa napaayos." Napakagat siya ng labi. Inayos niya ang lamesa para kay angelo.

"Magtataxi ako. Marami namang pweding masakyan."

"No need. Ihahatid na kita." Sabay kaming napalingon kay angelo. Nagtu-tuck-in pa siya ng polo habang paupo sa dining chair.

"Ahh ganun.. so iiwan niyo ako dito mag-isa?" Nakapamewang na humarap samin si nicka. Kinuha niya ang itlog at inilapag sa mesa.

"You don't have a choice. Kailangan ko din mapaaga dahil may especial report ako about medicine."

"May magagawa pa ba ako? Oo na, magtataxi nalang ako. Napaka epal niyo." Umirap siya. Tinanggal niya ang apron bago humarap ulit sa'min. "Maiwan ko muna kayo. Maliligo na ako. Ayuko din naman mahuli sa klase. Kita nalang tayo mamaya." Tinanguan ko siya.

Nang mawala siya, mahabang katahimikan din ang bumalot sa'min. Wala ni isang nagbalak magsalita sa'min. Kahit naman araw araw ko siyang nakakasama, hindi parin kami ganon ka close para mag chikahan kagaya ng ginagawa ni nicka. Thankful lang ako kasi tinulungan niya ako.

Kaya matapos namin kumain, nagpaalam na din kami kay nicka. Sabay kaming dumiritso sa kotse sa baba at nag seat-belt. Pinaandar niya ang kotse at hinatid ako hanggang entrance ng campus.

"Salamat."

Tinanggal ko ang seatbelt bago bumaba. Ngumiti lang siya sa'kin bago paandarin ang kotse.

Kukunti palang ang studiyante pagpasok ko. Maaga palang kasi. Mamayang alas syete yong start ng klase. Dumiritso ako sa classroom, nilagay ang bag.

I was about to head-out ng may maalala ako. Nakapangatlo na sa'kin ang asungot na 'yon pero ni isa hindi man lang ako nakaganti. Siguro naman pagkakataon ko na 'to para pagbayarin siya sa ginawa niya.

Lucky, I was alone here.

Wala ding studiyante ang dumadaan sa hallway- even professors are nowhere to be found. I have a better plan.

Bumalik ako sa selya ko. Naghanap ako sa bag ng pwedeng gamitin.

I didn't have anything in particular- but I found something. Hindi ko alam kong pano ito napunta sa bag ko. Pero mukhang umaayon sa'kin ang tadhana.

I took the glue in my back. It's not just a simple glue- but a hard one. I was planning to put this glue in his chair. Problema na niya kong pano siya makakaalis.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon