CHAPTER 15
BELLA POV
Nagising ako kinaumagahan ng biglang sumakit ang ulo ko. Umupo ako sa kamang hinihigaan ko, napahawak din ako sa ulo ko bago inilibot ang tingin.
Isang kulay Pula at Puti ang unang bumungad sakin at sa tingin ko nasa kwarto ako. Hindi pamilyar sakin ang kwartong to.
Nasan ako?
Pilit kung inalala ang nangyari kagabi pero di ko na matandaan ang iba pa. Ang natatandaan ko lang ay nakita ko sila jasper at kath sa isang restaurant tapos nag-uusap, nagtatawanan, sumayaw sa dance floor ng restaurant, at naghalikan. Tapos nun pumunta ako sa convenience store at bumili ng beer at ininum yon, kasama si zack pero di sya uminom pero-
Teka si zack?
Agad akong napatingin sa katawan ko ng may maalala na minsan ko ng napanuod sa mga movies. Nakahinga naman ako ng maluwag ng may damit parin ako. Pero di sakin ang damit nato.
Kanino to?
Agad nanlaki ulit ang mga mata ko na.. Di kaya si zack ang nagbihis sakin kagabi?
Nako hindi sana.. Mali sana tung iniisip ko.
Pero ano nga ba ang ginagawa ko dito? Basta hanggang don lang ang naalala ko, uminom ako ng beer at kinwento kay zack ang problema ko tapos nun wala na.. Wala na akong maalala.
Nilibot ko pa muli ang tingin ko sa kabuohan ng kwarto bago ako tumayo sa kama habang hawak-hawak pa rin ang ulo kong sumasakit pero kunti nalang.
Dumiritso muna ako sa banyo at nagmugmug doon bago lumabas. Bumungad agad sakin ang masarap na amoy galing sa baba, pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto.
Nilibot ko pa muna ang tingin sa 2nd floor ng bahay. Hindi din pamilyar sakin ang bahay nato.
Kanino ba to?
Para malaman ang sagot ay bumaba ako ng hagdan at sinundan ang mabangong amoy galing sa kusina.
"Oh gising kana pala iha.. Halika na't umupo at kumain." sabi ng isang matanda na pero kita parin sa mukha niya ang ganda.
"Po? Ako po ba?.." tumango naman siya."Sino po kayo?" tanong ko. Inilapag niya muna ang hotdog sa lamesa bago sumagot.
"Ako si Manang lordez, ang pinakamataas sa lahat ng yaya's dito" aniya. Pero nagtataka parin ako kung bakit at anong ginagawa ko dito.
"Ahh manang lordez, itatanong ko lang po sana kung.. Kung anong ginagawa ko dito?" tanong ko.
"Mm Hindi ko rin alam iha basta ang alam ko lang buhat buhat ka ng alaga ko ng makita ko siya at ang sabi niya lasing ka daw. Mabuti pa'y tanungin mo ang alaga ko. Pababa naman na siguro yon.. Kaya sige na maupo kana at kumain." aniya pero bago ako umupo ay nagtanong ulit ako.
"Teka sino po ba ang alaga niyo manang?" hindi pa man siya nakaka sagot ng may narinig akong footstep galing sa hagdan at ang paglapit niya dito.
"Good morning manang" bati ng familiar na boses kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Good morning iho. Bagong gising ka lang ba?"
"Opo manang."
"Sige kumain ka muna.. Ikaw din iha" baling ulit ni manang sakin.
Tinignan ko naman si zack ng Anong-ginagawa-ko dito-Look. Pero umiwas lang siya sakin ng tingin.
"Umupo kana at kumain." sabi ni zack. Kaya wala akong nagawa at umupo nalang sa gilid ng upuan katabi niya. Ito lang naman ang malapit na upuan kaya dito ko na napiling maupo.
BINABASA MO ANG
Fall Inlove with Mr.Bully
Genç KurguSTATUS COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) Bella is a soft hearted girly who thinks that love can fulfill the emptiness of a person. That love, can makes everything perfect in this world full of toxicity. She once fall inlove but later cheated on...