CHAPTER 33
BELLA POV
"KYAAAHHHHH!!"
Napatingin ako sa pinto ng marinig ang tili ni nicka sa labas. Bumukas ang pinto at nag diri-diritso siya ng pasok sa kwarto ko at nagsisigaw-sigaw.
"OMG! OMG! SABADO NA!! Ibig sabihin, magsisimula na ang aquaintance party mamayaaa!!" napatakip ako ng tinga. Agad ko naman siyang sinuway sa kaingayan.
Apat na araw na ang nakalipas simula nung engagement party. Sa apat na araw na yan, wala akong ibang ginawa kundi ang mag practice buong magdamag sa soc. Binibisita naman ako ni nicka at dinadalhan ng pagkain sa social hall.
Si zin naman, hindi ko pa nakikita. Huling kita namin nung gabi pa ng engagement.. At sa totoo lang, tuwing nariyan siya, naiilang ako paminsan-minsan. Wala din akong impak na nararamdaman sa kaniya, walang spark. Hindi ko ramdam ang panliligaw niya, ni isang beses hindi pa kami nag date. Pero ayos lang, busy din naman ako at wala akong oras para diyan.
Pero minsan napapatanong narin talaga ako sa sarili ko. Bakit wala akong nararamdaman kay zin? Bakit sa tuwing nandiyan siya, maiilang ako? At bakit hindi ako masyadong masaya sa tuwing nakikita siya? Gusto ko tuloy malaman kung may mali ba sakin. Pero parang wala naman, yong nararamdaman ko sa kaniya, parang nararamdaman ko lang kila nicka, at cheska, parang.. kaibigan lang.
Alam kung masama na tinatago ko ito, parang pinapaasa ko si zin, pero wala talaga eh. Gusto ko naman sabihin sa kaniya na ayuko na, na itigil na niya ito. Pero pano?
"Oy, punta ka sa gym mamaya uh. Hindi ako makakapunta sa soc, busy kami sa pag de-design ng gym eh. Saka huli narin naman to, excited na ako mamaya. Nakahanda na lahat" tumawa pa ito
"Halata naman"
"Kaya nga, kaya maiwan na kita, didiritso na ako ng gym" tumango lang ako.
Nang mawala siya sa paningin ko, dumiritso na din ako ng soc hall.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng velvet. Sa lalim ng iniisip ko, nakalimutan ko pang magdala ng towel. Pumwesto na ako matapos ilapag ang bag sa bench. Nagsimula na akong magpractice kaharap ng salamin.
Ito na ang huling practice ko sa sayaw na sasayawin ko mamaya. Kinakabahan ako na may halong excitement. Naisip ko pa lang na maraming manunuod, dumadagundong na agad ang puso ko sa kaba. Idagdag pang, mag isa lang akong sasayaw. Pero mas mabuti narin sigurong maraming manunuod, para kahit papaano masanay akong humarap sa maraming tao.
Nagdala ako ng dress, galing pa kay nicka. Sabi niya, matapos ng sayaw baka magkakaroon pa ako ng oras makasali mamaya. At ang sabi niya, dito narin daw kami magbibihis. Kunti nalang yong gas niya at kailangan niyang mag tipid.
**
Bandang alas onse ako natapos sa practice. Sakto din at kadadating lang nila nicka at cheska. Sabi nila, mas mabuti nalang daw na dito kami kakain dahil ayaw nilang makita ang mukha ni mylene. Saka mas ok narin dito, tahimik at walang disturbo.Matapos kumain nagpaalam na si cheska. Kailangan niyang umuwi para mag ayos. Nagpaalam din si nicka at may gagawin. Kaya naman ng masiguro kung wala na sila, dumiritso na ako sa shower room.
Nagsuot ako ng simpling white shirt and black shirt. Pinarisan ko ito ng itim na sapatos. Binraid ko narin ang buhok ko para di sagabal sa pagsasayaw at para narin kumulot yong buhok ko at hindi na kailangan ng iron kung ilulugay ko na.
Isang oras nalang bago magsisimula ang party. Mas lalong kumabog ang puso ko sa kaba. Huminga ako ng paulit-ulit para mabawasan yong kaba ko kahit kunti. Tumayo ako at humarap ulit sa malaking salamin. Pumwesto ako at sinimulang mag practice sa isa pang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Fall Inlove with Mr.Bully
Teen FictionSTATUS COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) Bella is a soft hearted girly who thinks that love can fulfill the emptiness of a person. That love, can makes everything perfect in this world full of toxicity. She once fall inlove but later cheated on...