Chapter 8: Zack's Girlfriend

2.1K 108 0
                                    

Chapter 8: Zack's Girlfriend

ZACK POV

pagdating sa condo kung saan nakatira si bella ay bumaba na siya ng sasakyan saka umikot para kuhanin yong mga binili niya. Binaba niya yong apat na cartoon kaya bumaba din ako para tulungan sana siya ng magsalita siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinutulungan ka ano pa ba?" sabay kuha ng isa pang cartoon.

"Tsk ibaba mo na yan, di ko na kailangan ng tulong mo" napaismid akong tumingingin sa kaniya.

"Ang arte mo, wag mo kaya muna pairalin yang pride mo. Ako na nga nag incist ayaw mo pa at sa tingin mo kaya mo tong buhatin lahat?.." natahimik siya."Kaya sa ayaw at sa gusto mo, tutulungan parin kita" pagtatapos ko. Napailing nalang siyang nagbuntong hininga saka binuhat nalang ang dalawang carton, ako naman sa dalawa pa.

Sinarado na namin ang kotse bago kami pumasok sa building. Binati pa siya ng isa sa mga guard na nginitian lang niya. Pagpasok namin sa elevator may nakasabay kaming dalawang babae. Isa ata sila sa mga staff dito. Pinindot naman ni bella ang fifth floor, habang naghihintay na bumukas ang elevator narinig ko namang nagbulungana ng dalawang babae sa likod namin.

'Shocks, ang gwapo niya lica'

'Oo nga, ngayon ko lang siya nakita.'

'Tama, Dito rin kaya siya naka in? Sana naman dito para may mapagmamasdan ako habang nag tatrabaho'

Hindi ko nalang sila pinansin. Patuloy lang sila sa pagbulungan. Bumukas naman sa wakas ang elevator. Lumabas na kami pero bago yon, nilingon ko muna ang ang dalawa saka kinindatan dahilan at magtilian sila. Agad na akong sumunod kay bella ng makitang nagpipindot na siya ng password sa room 80

Pagpasok namin.. Sala agad ang nakita ko. May malaki silang flat screen pero mas malaki parin yong samin. Maganda at malinis din dito. Kita din sa glass wall ang mga malalaking buildings sa labas. Sumunod ako kay bella ng pumasok siya sa isang pinto. Kusina, sa kusina siya pumasok.

"Pakilagay mo nalang diyan" sinunud ko naman siya at nilagay din ang dalawang box sa lamesa.

"Dito ka pansamantalang nakatira?" tumango siya.

"Bakit? May problema ba?" umiling agad ako.

"Wala, hindi kasi halata sa itsura mo" sinamaan niya ako ng tingin. Bumukas naman ulit ang pinto. Pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Teka siya parin? Anong ginagawa niya dito? Don't tell me dito din yan nakitira?

"Andito ka na pala. Kanina ka pa?" tanong ni angelo. Oo siya, siya na naman. Umiling si bella.

"Ngayon lang. Asan na ba si nicka? Andito na lahat ng pinabili niya"

"Nasa first floor, di ba kayo nagkita?.." umiling si bella.

"Hindi, ano namang gagawin niya don?"

"Bibili lang daw ng ulam sa restaurant sa baba. Gutom na daw siya at hindi na makatiis." nilingon naman ako ni angelo ng mapansin na niya ako.

"Hi ikaw ulit.. Ano nga pangalan mo?"

"Zack-"

"Yeah zack, it's nice to meet you again.. And.." nilingon niya si bella."Thanks for helping her"

"No prob" ngumiti siya.

"Gusto mo dito na mag dinner-"

"Angelo" tawag ni bella. Sabay kaming napalingon sa kaniya.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon