Chapter 31

1.5K 98 0
                                    

CHAPTER 31

BELLA POV

Kinagabihan hindi ako makatulog kakaisip sa nalalapit na aquaintance party.. Idagdag pa yong nangyari sa pagitan namin ni mylene.
Tsk kung di lang ako pinigilan ni zack baka nakalbo ko na yong malditang yon!

Pero ayuko muna siyang isipin. Ang isipin ko dapat ay tungkol sa aquaintance. Hanggang ngayon nagdadalawang isip parin ako. Wala naman akong kapares kung pupunta ako. Wala pang nagyayaya sakin- siguro meron pero hindi makalapit dahil a nangyari kanina.

Namomroblema pa ako sa susuotin kung dress. Sa probinsiya, ok lang na magsuot ng ukay-ukay pero dito? Tsk malabo.. Baka pagnakita ka ng mga studiyanting nakasuot ng mumurahing dress baka intrance palang pagtatawanan kana.

Napabuga nalang ako ng hangin saka nilingon ang pinto ng may kumatok. Dis oras na ng gabi may kumakatok pa?

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at sumandal sa headboard ng kama bago nagsalita."Pasok!"

Bumukas ang pinto at iniluwa si nicka. Ngiting-ngiti itong lumapit sakin.

"Bellaaa" tawag nito bago umupo sa kama"Hindi ako makatulog kakaisip"

"Nang ano?"

"Tungkol sa aquaintance!! Omo I'm so excited! Naka handa na ako. Kulang nalang lumarga kahit ngayon agad" tumawa ito saka binalingan ulit ako ng tingin."Ikaw? Handa kaba? Excited karin ba?" binaba ko ang tingin ko at umiling.

"Hindi ko alam"

"Ano? Anong hindi mo alam? Shunga ka, lahat ng studiyante sa velvet excited na samantalang ikaw, hindi mo alam?" napaikot siya ng mata."My gooood bella!" napabuntong hininga ako."Pero may plano ka namang sumali right?" tinignan ko siya.

"Hindi ko rin alam" napaikot siya ng mata.

"At bakit na naman abir? Bigyan mo nga ako ng magandang rason! Siguraduhin mo lang na maganda yan" napabuntong hininga ako't umayos ng upo.

"Una, walang nagyayaya sakin at pangalawa, wala akong pambili ng magarang dress. Ni wala nga akong pera pambili. Kung hindi niyo lang sana ako pinigilan nung sabado at linggo sa trabaho edi sana may pera ako ngayon!!"

"Jusko naman bella. May apat na araw pa tayo. May magyayaya naman siguro satin, wala lang kanina dahil sa nangyari at kung namomroblema ka sa susuotin pwes akong bahala-"

"Hindi, wag na. Hindi na talaga ako pupunta. Kaya mo na naman na sigurong pumunta at magsaya ng mag isa"

"Hindi bella! Hindi. Matagal na tayong magkasama kahit nung nasa probinsiya palang tayo. Kung nasan ka, nandun din ako kay kung ayaw mo, ayuko narin! Hindi nalang din ako pupunta!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Baliw ka ba?! Ang alam ko 'Party is your best of best favorate hangout'. Nicka hindi lang ako pupunta, ayaw mo narin? Hindi pa naman sira yang utak mo no?" pambubulyaw ko.

"Kaya nga sinasabi ko na pumunta ka ng sa gayon ay pupunta rin ako!" pagpipilit parin niya. Nag crossed arm siya't tumalikod sa gawi ko.

Ano bang mahirap intindihin sa hindi ako pupunta? Hindi ko naman hawak ang buhay niya, hindi ko din siya bodyguard o assistant para sumunod sa mga ayaw at gusto ko.

Isa pa, makakapag party naman siya ng wala ako. Malaking tulong nga kung siya ang bahala sa susuotin ko pero subra-subra na ang tulong na ibinibigay niya sakin. Ayuko namang isipin niya inaabusado ko na siya. Ayuko din na makaabala pa ako sa kaniya.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon