Chapter 7: Date?
BELLA POV
It's Saturday morning, 8:47 am
Andito ako sa kwarto at nag iisip tungkol sa sinabing pangalan ni miss. Hanggang ngayon di parin ako maka move on dun. Ayaw mawala wala sa isip ko. Napagalitan tuloy ako ni beke dahil sa pagka tulala ko kagabi. Andami kasing customer at hindi man lang ako nakapag trabaho ng maayos. Hindi ako sanay na sinisigawan niya ako kaya naman ngayon gusto kung madaliin ang oras para makapagtrabaho na ako at makahingi na ng sorry.
Napabuntong hininga ako ng malalim saka sumilip saglit sa bintana. Malakas parin ang ulan, kanina pa ng madaling araw. Umaga na pero andito parin ako sa kwarto at nag mu-mukmok sa kwarto. Wala akong magawa, bagot na bagot na ako. Hindi ko rin naman magamit ang cellphone ko dahil nasira ko nga. Ano bang gagawin ko dito buong maghapon?
Nakarinig ako ng katok sa pinto. Bumukas ito at iniluwa si nicka. Lumapit siya at umupo sa kama ko.
"Bakit? Ano na naman kailangan mo?" tanong ko ngumiti siya.
"May favor lang sana ako"
"Ano yon?"
"Ahm.. Pwede bang ikaw muna ang mag grocery ngayon? Wala na kasi tayong stock sa kusina-" napaiwas ako ng tingin at pinutol ang sinabi niya.
"Nicka wala ako sa mood lumabas. Malakas din ang ulan, siguradong mababasa lang ako" lumapit pa siya lalo.
"May payong ako, pwede ko yon ipahiram sayo at wag kang mag-alala ako ang maglilinis ng condo ngayon, lilinisin ko din tong kwarto mo-"
"Eh bakit, hindi ikaw bumili? Ako pa talaga pinakiusapan mo-"
"Ayuko nga kasing mabasa ng ulan saka malamig din ang simoy ng hangin no-"
"Ang arte mo. Siya sige, payag na ako.. Umalis ka na dito bago pa mag bago isip ko" nanlaki ang mga mata niya sa tuwa.
"Talaga?! Sigurado ka?!-"
"Oo nga, alis na magbibihis pa ako"
"Oy wala ng bawian yan ah-"
"Oo na!!" tumalon talon siyang nagpaalam at lumabas ng kwarto ko. Napailing nalang ako. Bumangon na ako at nag unat-unat. Hindi ako pumayag para sa gusto niya, pumayag ako kasi gusto kung may paglilibangan at hindi ma bored.
Dumiritso na ako sa banyo para maghilamos at mag sepilyo. Nag bihis naman ako pag labas ko. Nag suot lang ako ng black jeans, polca dot shirt na pinarisan ko ng grey jacket na above the knee ang haba. Kinuha ko na din ang wallet ko matapos mag suklay.
Paglabas ko, naabutan ko si nicka na nanunuod ng Action movie sa tv habang may kinakaing popcorn. Nilingon naman niya ako.
"Tapos ka na agad? Nasa kusina yong listahan at pera kunin mo nalang. Sorry di ko nadala.." tumango naman ako. Bago pa ako pumasok ng kusina nagsalita ulit siya."Btw medyo madami pala yong nasa listahan kaya if ever na hindi mo kayang bitbitin lahat, tawagan mo nalang number ni angelo-"
"Wala na akong phone, nasira ko nung nakaraan" gulat niya akong tinignan at muntik pang malaglag lahat ng popcorn.
"Huh?! Eh pano yan? Pano ka niya masusundo?" mabilis akong pumasok ng kusina at kinuha ang pera at listahan saka lumabas para mag suot ng sapatos.
BINABASA MO ANG
Fall Inlove with Mr.Bully
Teen FictionSTATUS COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) Bella is a soft hearted girly who thinks that love can fulfill the emptiness of a person. That love, can makes everything perfect in this world full of toxicity. She once fall inlove but later cheated on...