CHAPTER 21
BELLA POV
Lumipas ang mga ilang araw at napagdisisyonan na nila jasper na bumalik ng province dahil may aasikasuhin din daw sila. Nag stay sila dito ng mga ilang araw lang non para makapag bonding man lang daw kami. Sa mga araw na nandito pa sila, hindi ko kinausap o nilingon man si jasper kasi naiinis parin ako sa kaniya magpahanggang ngayon. Isa pa, hindi naman totally na araw-araw kaming nagkikita dahil busy din kami nila nicka at cheska sa mga school projects, reports, assignment, and studies pero mas ok na nga iyon dahil hindi ko masyadong nakikita si jasper.
Bago sila umalis at bumalik ng probinsiya, nakiusap ako kay kath kung pwede bang sa kanila ako tatawag para kamustahin sila mama at papa na matagal ko ng hindi natatawagan. Pumayag naman siya at binigay sakin yong number niya. Sabi niya nung umalis sila sa probinsiya ayos naman daw sila mama kaya medyo nakahinga ako ng maluwag, akala ko kasi nagtatampo na si mama dahil hindi ko na sila natawagan.
Para matawagan ko na sila, andito ako sa caf at nilagay ang simcard at memorycard ko sa phone bago ito inopen. Simula ng binili at ibinigay ito ni zack sakin, hindi ko pa ito nagagamit, isa pa wala naman akong paggagamitan nito bukod sa pagtawag kila mama.
Dumiritso ako ng contact at nilagay yong number ni kath na nakasulat sa card na binigay niya. Nakaukit dito yong number at pangalan ng company ng pamilya niya. Iba talaga pag mayaman eh no, card na yong binibigay hindi na papel. Dumiritso naman ako sa gallery ko. Halos lahat ng pictures dito ay pictures namin ni jasper at nila mama at papa. Pero mas marami ang picture namin nila jasper, nakangiti kami sa lahat ng pictures. Nakakangiti pa kami dito dahil subrang maayos pa yong naging buhay namin, tahimik at walang paepal. May stolen shots din kami at wacky shots. Andami pala naming nasayang na alaala, andami naming naiwang picture na magkasama.
Nakakalungkot lang dahil ang lahat ng iyon ay nakakulong na sa nakaraan. Hindi na namin pweding ibalik ang dating kami, ang dating masayahin at walang pinoproblema. Sana lang, yong naudlot na pagmamahalan namin ay maibigay niya kay kath lahat.
"Sino yan?.." Nabalik ako sa ulirat ng sumingit si nicka na nasa tabi ko. Nakalimutan kung kasama ko pala siya. Nanlaki ang mata niya."Si jasper yan diba?.." nilingon niya ako."Kine-keep mo parin yong mga pictures niya? Yong mga pictures niyo dati? Kala ko ba move on na?"
"Sira! Ede-delete ko na nga sana, kaso umipal ka" inikutan ko siya ng mata at nagcross legs. Napapuot lang siya. Sabay naman kaming lumingon ng may magsalita.
"Hey, pwede maki share ng table?" Tanong ni kurt dala-dala ng isang tray na may pagkain.
"Pwede naman pero may bayad" pang iipal ni nicka. Napakunot naman ang noo ni kurt.
"Kapal kala mo naman siya may ari ng velvet" bulong ni kurt. Pabagsak namang nilagay ni nicka yong kutsara sabay tingin kay kurt.
"May sinasabi ka?"
"Bakit may narinig ka ba?!"
"Eh kung sabihin kung oo-"
"Narinig mo naman pala, nagtatanong ka pa!-" Babatukan sana niya si kurt pero pumagitna na ako.
"Mm tama na, magsisimula na naman kayo"
"Psh siya nauna"
"Bobo mo ikaw kaya nauna-"
"Kurt, stop arguing" sabay kaming napatingin sa bagong dating. Umupo naman sila katabi ni kurt."Hi"
"Hi" ngiti ko. Napasulyap naman ako sa gawi ni zack saka inismaran. Hindi ko pa siya nabatukan dahil sa pirwisyong binigay niya sakin nung isang gabi. Pasalamat siya at wala ako sa mood kinaumagahan non, baka hindi lang pambabatok matatanggap niya.
BINABASA MO ANG
Fall Inlove with Mr.Bully
Teen FictionSTATUS COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) Bella is a soft hearted girly who thinks that love can fulfill the emptiness of a person. That love, can makes everything perfect in this world full of toxicity. She once fall inlove but later cheated on...