Chapter 17

1.8K 103 0
                                    

CHAPTER 17

BELLA'S POV

Lumipas ang dalawang araw, at araw na nga lunes. Ang araw na kung saan magsisimula na ang sing and dance compitition at kinakabahan na ako para mamaya. Malamang sa malamang, maraming manunuod at mag che-chear sa bawat sections. Kaya naman ito ako at hindi pa bumabangon. Ito namang si nicka kanina pa ako hinihila-hila.

"Magtigil ka nicka, masakit na yong braso ko kakahila mo" reklamo ko.

"Bumangon ka na kasi, lunes na kaya ngayon that means magsisimula na ang sing and dance competition. Kaya dali na~" hinila niya ulit ako kaya naman bumangon nalanga ko.

"Ito na, bumangon na kaya lumabas ka na para makapag handa na ako" ngumiti naman agad siya.

"Sige, bilisan mo ah. Isuot mo na din yong uniform natin, nilagay ko na sa closet mo-"

"Oo na!" sigaw ko. Napabuntong hininga ako ng makalabas siya. Dumiritso na ako ng banyo para makapaghanda ng matapos, agad ko ng sinout ang uniform namin. Nakasuot na ako ngayon ng itim na palda, white croptop na pinarisan ng black denim jacket at puting sapatos. Sa mga lalaki naman mamaya, susuotin nila yong puting pantalon, black shirt na pinarisan din ng puting jacket at itim na sapatos.

Paglabas ko dumiritso agad ako sa kusina. Si nicka lang yong naabutan kung kumakain. Umupo ako kaharap niya.

"Talagang di mo na ako hinintay kumain?"

"Ang tagal mo kaya kumilos kaya kumain na ako.."Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita ulit."Ngapala hiniram ni kuya tristan yung kotse ko dahil nasira daw ang kanya kaya wala tayong ibang choice kundi mag taxi. Saka mamayang hapon hindi kita masasabay umuwi dahil mag ce-celebrate daw si mommy pag nanalo tayo. Pero kung gusto mo sumama.. Sumama ka samin"

"Tsk wag na, pamilya mo yon dapat labas na ako dun" sabi ko tapos nagsandok ng kanin at ulam.

"Bestfriend naman kita kaya walang problema"

"Kaya nga bestfriend mo lang ako at labas ako sa pamilya nyo. Lakad pamilya yon" halatang nalungkot siya."At talagang segurado ka na mananalo tayo ah" dagdag ko.

"Syempre naman ang galing kaya ng ex mo tapos ang galing mo pa kaya paniguradong mananalo tayo"

"Di naman ako at si jasper lang ang magaling.. Tayo, tayo ang magaling" paglilinaw ko.

"Mm tama ka, magaling nga tayo.. Pero mas magaling kayo" napailing nalang ako

"Iwan ko sayo, kumain ka na ng makaalis na tayo" tumango nalang din siya at kumain nalang, ganun din ginawa ko.

Mabilis lang kami natapos bago umalis at dumiritso ng v.a. Madaming labas pasok ng v.a pagkarating namin. Lahat sila hindi naka uniform, excuse naman kasi lahat ngayon so may oras silang gumala pagkatapos ng program.

Napalingon ako kay nicka ng hawakan niya ako."Excited naako, kinakabahan lang ako pero sana manalo tayo"

"Kanina lang confident na confident ka tapos ngayon dinagdagan mo na ng 'sana'?"

"Eh kasi naman, di pa ako sure kanina pero sana talaga manalo tayo.." ngumiti siya."Tara na baka hinihintay na nila tayo, malapit na din magsisimula oh" tumango naman ako bago kami pumasok. Dumiritso kami papuntang gymansium. Habang naglalakad kami may nakakasalubong naman kaming classmate namin na nag ch-cheer samin. Nginingitian lang namin at di na nagsalita pa.

"Grabi di ko akalaing ganito pala karami ang studiyante ng v.a, tignan mo andami nila, lalo pa kaya pagpumasok na din yong iba" aniya ng makapasok kami. Tinignan ko naman sila, may nagtatawanan, nag-aasaran, at ang iba halatang excited.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon