CHAPTER 12: INTENSIVE TALK

1.9K 96 1
                                    

Chapter 12: Intensive Talk

BELLA POV

'Wahhhhhhh!!'

'Kyahhhhhh!'

'Ayan nahhh!'

'Tanga! Umalis ka jan!'

'Gagi alis!'

Natatawa lang ako sa mga reaction ng dalawa. Kung makasigaw parang sila talaga yong bida na nasa horror movie. Iwan ko ba sa kanila at napili nila itong panuorin.

Kasalukuyan kaming nasa bahay ni cheska, niyaya niya kasi kaming dalawa ni nicka manuod ng movie to bond. Hindi naman ako makatangi dahil namimilit silang dalawa sakin. Kaya lang biglang nawala ang ngiti ko sa labi ng biglang pumasok sa utak ko ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang, magkakaroon pa pala kami ni jasper ng oras na makapag-usap ng masinsinan.

And to be honest, biglang gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap na yon. Para bang siya lang talaga yong hinihintay ko para mailabas lahat ng saloobin ko patungkol sa kaniya.

FLASH BACK

"B- Bella.." napahinto ako sa pag-aayos ng libro sa locker ng marinig ang boses ni jasper. What is he doing here? Kala ko ba, naka-alis na sila."Bella can we talked?"

Binalik ko ang tingin sa locker at sinarado ito. Tinignan ko lang siya pero agad ding nag-iwas ng tingin."Busy ako. Please move it some other time‒"

"I want you now.. Please. Talk to me" tinignan ko ang mga kamay niyang nakahawak sakin at ang mga mata nitong nangungusap.

"Alin ba sa sinasabi ko ang hindi mo maintindihan? Kakasabi ko lang diba, busy ako. Pwede naman tayong mag-usap sa ibang araw‒"

"But I don't want to. I need you to talked to me‒"

"At ano namang pag-uusapan natin? Magkakamustahan ba tayo, well as you can see, I am well fine. Kung tinatanong mo naman ako kung naka move-on nako, YES, I AM. So if you excuse me, aalis na ako." lalagpasan ko na sana siya ng hawakan na naman niya ako sa braso. Tsk!

"Okay lang ba kayo ni zack kanina? Is he bullying you?"

"Pakialam mo ba? May magagawa ka ba kapag oo?" kinalas ko ang kamay niya mula sa braso ko."Umalis kana. Parang awa mo na wag kanang mangialam sa buhay ko."

"NO." pagmamatigas nito."I still need to bella, responsibilidad parin kita. Nangako ako sa magulang mo na aalagaan kita, hindi kita pababayaan hanggang nandito ako." medyo natawa ako.

"Edi umalis ka. Sino ba nagsabi sayong pumunta ka dito. Kung gugustuhin mo pwede ka namang umatras. Hindi kita kailangan, okay na ako sa buhay ko dito."

"Eh tayo? Kailan tayo magiging okay? Hindi naman pwedeng habang buhay ganito." pinagkunutan ako nito ng noo."That day, nagsisinungaling lang ako na may relasyon kami ni kath. She blockmailed me kaya hindi ako makahindi, pinlano na niya to lahat bago pa dumating ang araw na yon. And yes I admit, pinagpustahan ka namin, pinaglaruan ka namin, pero hindi ako sang-ayon don. Naghesitate ako, natakot ako dahil kilala kita bilang mabait at maalagang babae, hindi kita kayang saktan‒"

"Pero nagawa mo parin!" nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng talukap kung mata, alam ko ilang minuto lang iiyak na ako."Alam mo bang sa mga oras na yon, hiyang-hiya ako sa sarili ko. Galit na galit ako sayo pero mas galit na galit ako sa sarili ko. Bakit? Kasi nagpadala ako sa mga ngiti mo, nagpadala ako sa sweetness mo, sa emosyon ko, sa nararamdaman ko, lahat ng effort na binigay mo! Sising-sisi ako sa nagawa ko jasper! Pinahiya mo ako sa lahat ng studiyanting nandun, at sana! Sana una palang nagduda na ako nang sa ganun ay hindi ako nasasaktan ng ganito!!" napakagat labi ako. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko at nagsunod-sunod na sa pagtulo ng mga luha ko sa pisngi.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon