Chapter 22

1.8K 97 0
                                    

CHAPTER 22

BELLA POV

Dahan kung minulat yong mga mata ko. Bumungad sakin ang puting kisame. Pakiramdam ko din ang bigat-bigat ng ulo ko. Ramdam ko ring natuyo yong lalamunan ko, maging ang dibdib ko ay subrang bigat- para bang may nakabara.

Ano nga ulit ang nangyari? Bakit di ko maalala? Nagka amnesia ba ako. Imposible naman siguro.

Napalingon ako ng makarinig ng pagpihit ng pinto. Bumukas ito at iniluwa si nicka. Nagulat siya ng makita ako..

"Hala gising ka na!!" dali-daling siyang pumasok. Agad niya akong niyakap, kumalas din maya-maya at humarap sakin."Tell me, may masakit ba sayo o ano?" umiling ako pero napahawak lang din sa may batok ko ng kumirot ito

"Nasan ba ako?" tanong ko.

"Nasa clinic ka.. Lumabas si cheska para sa excuse letter mo" inayos naman nito ang kumot ko.

Inilibot ko ang tingin ko at nasa clinic nga kami ng V.A. Medyo matapang ang amoy ng alcohol at sobrang lamig din ng aircon. Inalalayan naman akong umupo ni nicka. Umupo din siya sa bedside at pinagmasdan ako.

"Wala ba talagang masakit sayo?"

"Wala nga, ayos lang ako"

"Tsk nakakainis naman kasi yong bruheldang babaing yon! Kung hindi lang ako nataranta kanina baka sobra pa sa sampal at kalmot ang ibibigay ko sa kaniya!-"

"Tama na, hindi tayo nandito para makipag away. Andito tayo para mag-aral" pigil ko sa kaniya ng maalala ang lahat.

"Yon na nga problema natin eh! Andito tayo para mag-aral pero pano tayo makakapag aral kung ginugulo tayo ng babaing yon! At malala pa ah, sa sobrang lala non at ngayon nandito ka at nakaratay sa kama!-"

"Wala namang nangyari sakin diba? Ayos lang ako, isa pa.. Mahina na talaga yong katawan ko kanina pang umaga. Wala akong gana sa lahat, kaya nga nong natamaan ako ng bola ay mas lalo akong nawalan ng lakas-"

"Pinagtatanggol mo ba sila?"

"Hindi ko sila pinagtatanggol. Ang sakin lang naman, mahina na yong katawan ko, dumagdag lang talaga yong bola" napaikot siya ng mata at nagcross arm.

"Hindi parin yong mababagong tinamaan ka niya ng bola. Susugod nga sana ulit ako dun sa bruheldang yon kanina pero dumating si zack at siya na daw bahala" napakunot ang noo ko.

"Ano namang ginawa niya?"

"Ano pa nga ba edi pinahiya. Nagpautos si zack na gawing clown yong mukha ni mylene at yong mga aso niya. Mas malala pa, pinalibot yong tatlong yon sa buong velvet tapos nung huminto sila ayon pinagbabato ng mga studiyante ng itlog at harena sila mylene kaya ang ending umuwing naghaharumintado psh bagay lang yon sa kanila. Kulang pa nga yon eh" mas lalong kumunot ang noo ko. Subra na naman ata yon. Kung ako ang nasa posisyon nila mylene mahihiya din ako at baka uuwi din akong luhaan.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ulit ito. Iniluwa naman nito ngayon ang isang gwapo at matipunong lalaki. Para namang nangisay si nicka kaya siniko ko to. Napatingin naman siya sakin.

"Sino siya?" bulong ko kay nicka. Lumapit naman sakin si nicka at bumulong.

"Siya yong tinutukoy ko" napatango naman ako kahit may bahid parin ng pagtataka. Lumapit siya samin at inilapag ang dala-dala niyang paperbag. Tumingin siya sakin.

"Ayos naba pakiramdam mo?"

"Excuse me?" napatawa siya.

"By the way I'm Zinesty Smith Aguintar, you can call me zin" nilahad niya yong kamay niya. Napatingin naman ako kay nicka ng magsalita ito.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon