Chapter 28

1.5K 100 0
                                    

CHAPTER 28

BELLA POV

Bumaba agad ako sa kotse ni nicka ng makarating kami sa king Bar. Mabuti nalang talaga at hindi na nagtagal si zin sa condo namin kanina nung hinatid niya ako.

"Ingat ka dito, tawagan mo ako kapag may nangyari diyan" tinutukoy niya yong sprained sa paa ko kaya naman tumango lang ako sa kaniya."Sige, una na ako"

"Geh, mag ingat ka"

"Ikaw ang mag ingat. Baka mamaya mapano pa yan dahil sa katigasan ng ulo mo, ayaw makinig."

"Kaya ko nga naman kasi ok? Wag kang mag alala" paniniguro ko kahit hindi naman totoo. Ang totoo kanina pa ito kumikirot pero iniinda ko lang dahil ayuko siyang mag alala."Lumarga kana, naghihintay na sayo si kuya tristan" tumango lang ito bago paandarin ang kotse papaalis.

Alas nwebe na ng gabi pero may lakad parin sila ni kuya tristan. Hindi ko ngalang alam kung saan. Hindi na din ako nagtanong baka may kinalaman ito sa pamilya niya.

Nang mawala si nicka sa paningin ko, saka pa ako maingat na naglakad papasok.

"Hala! Kaloka anong nangyari sayong bruha ka?" pambungad ni bam ng mapansing paika-ika akong maglakad.

"Ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" tanong naman ni miss b. Ngumiti naman ako para ipakitang ayos lang ako at walang dapat ikabahala.

"Ayos lang ako, wala lang to, wag niyo akong alalahanin"

"Sigurado ka?"

"Oo saka ano ba, sige na. Magtrabaho na tayo, magbibihis lang ako saglit" tinapik ko pa sila sa balikat sabay ngiti.

"Magtatrabaho ka sa ganiyang lagay?" paniniguro pa ni miss b.

"Oo nga, baka mamaya mapano kapa saka yang paa mo"

"Ayos nga lang ako. Magtrabaho na tayo, maraming customer oh. Saka ayon oh.." turo ko sa lasing na nasa counter."May isang lasing na nanghihingi na ng order baka mamaya mag wala yan, malalagot talaga kayo kay beke" pananakot ko.

"Ang sama mo, nag aalala lang kami- nananakot kana agad" umirap pa sakin si bam bago tumalikod kaya napatawa nalang ako.

Nang mawala sila sa paningin ko saka pa ako dumiritso sa dressing room. Kahit pala sila, takot kay beke gaya ng mga waiter din na nagtatrabaho dito kasama namin. Sabi nila iba daw kapag nagagalit si beke. Hindi ko pa siya nakitang magalit pero parang ayuko na lang rin makita. Ayos na sakin na ganito siya samin.

Dumiritso ako ng counter ng matapos. Friday ngayon at naka asign ako sa counter. Sa sabado naman don ako sa kusina, sa linggo ako ang maghahatid ng order ng mga customer.

Ang pinaka ayuko lang sa tatlo ay yong mapupunta ako sa kusina. Kasi hindi ka nauubusan ng hugasin, ikaw pa ang maglilinis ng sahig at lababo. Gusto ni beke ng malinis, ayaw non sa madumi dahil naiinis yon kapag nakakita ng kalat kaya kailangan talaga walang maiiwang mantsa o kalat.

Ako ang pumalit kay bam ng makita niya ako. Dumiritso naman siya ng kusina gaya ng naka asign sa kaniya.

Hindi narin kami nagkaroon ng kunting kwentuhan ni miss b ng sunod-sunod at padami ng padami ang nagsipasok na costumer sa bar.

Habang naghahalo-halo ako ng drinks biglang nahagip ng mga mata ko ang isang magbabarkada na may kasamang isang babae. Limang lalaki at isang babae. Hindi ko pa maklaro ng husto dahil narin sa palakad-lakad na mga customer, idagdag pa ang neon light na tumatama sa mukha ko at sa kanila.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon