C. Seven

581 14 5
                                    

 7.

CONFUSION

"Kath?!"

Hindi makapaniwala si Zach sa mga nakikita. Lalo na’t nasa harap niya ang babaeng matagal niya nang hindi nakausap. Nilapitan niya si Kath at niyakap ito ng mahigpit.

Nagtaka naman si Phia sa mga nangyayari.  Sino ba tong si Kath? Nag-iisang tanong sa kanyang isipan.

"Zach! Ikaw na ba talaga yan? Ang laki mo na ha?" Sabi ni Kath.

Natawa na rin si Zach. “Syempre. Gumwapo ako, diba? Tsaka ikaw rin naman ah! Ang tangkad mo na! Pero syempre, maganda pa rin.”

"Asus. Nambola ka pa!”

Nanatiling tahimik si Phia.  Nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa.

“Oo nga pala. Phia, siya si Kath. Kababata ko siya. Galing kasi sila ng States kaya ngayon na lang kami nagkita ulit.” Sabi ni Zach sa kanya.

“Hi Kath.” Ngumiti naman si Phia.

“Hello din, Phia. Girlfriend  ka ba ni Zach?”

Nagtinginan naman ang dalawa.

“Ah hinde. Magkaibigan lang kami!” Agad na sagot ni Phia. Si Kath naman ang natawa.

“Hay nako Zach! Hanggang ngayon ba, siya pa rin?” Dagdag ni Kath. Ngumiti na lamang si Zach.

“H-hindi na nu. T-teka, kalian ka nakabalik? Tsaka bakit ka nandito ng ganitong oras?” Halatang iniiba nito ang usapan. Nagtaka naman si Phia sa sinabi ni Kath na ‘siya pa rin’.

“Kanina lang kami nakarating. Hinanap kasi kita sa inyo tapos sabi nila hindi daw nila alam. Eh knowing you, saan ka pa ba nagpupunta?”

“So, dito na kayo for good? Pati sila Tita and Tito?”

“Uh no. Vacation lang. Bakasyon na kasi sa amin ngayon sa States kaya nakapunta na kami dito.”

Tumango-tango naman si Zach. Napatingin din siya sa kanyang relo. Nagulat siya nang Makita niyang 8:30 na pala. “Ah Kath, sa bahay na lang tayo mag-usap ulit. Ihahatid ko pa kasi si Phia sa kanila eh.”

Napangiti si Kath sa narinig. “Hindi daw girlfriend.”

“Hindi nga kasi! Best friends kami nu! Ihahatid ko na muna siya. Kasama mo naman ang driver mo, diba?”

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon