Maiksi lang to guys, sorry. Hinahabol ko ang time eh. @@
18.
CAMARADERIE
Naramdaman ni Phia na parang tumigil sa pagtibok ang puso niya. “Teka, p-paano niyo nalaman? Sinabi mo ba Venice?!”
“Oh wait!” Sagot ni Cindy. “Walang sinabi si Venice sa amin, Phia. Kami na mismo ang nakapansin na you have feelings for Zach.”
Napayuko ang dalaga. “Ganoon ba ako ka-obvious?”
“Uy hindi ah!” Sabi naman ni Kevin. “Sa totoo lang, nahirapan nga kaming i-figure out yun ah! Hahaha!”
“Oo nga. Actually, ngayon lang naming napatunayan. Test lang kasi yun ni Zoe sayo kanina. Di pa kami sure, as in lahat kami pero tinanong lang niya sayo. Gusto lang naming malaman ang magiging reaction mo. And since umamin na, ayun, you fell for the bait. Hahaha!” Natatawang pag-eexplain ni Sam.
Napangiti na lamang si Phia at tumahimik na ulit.
“Oh, Phia? Galit ka ba sa ginawa namin?” Tanong ni Venice.
“Kasali ka rin dun?!”
“Yup!” Nakangiti nitong sagot. “Pero promise, wala akong sinabi! Wise lang talaga yan sila!”
Huminga ng malalim si Phia. “Guys, hindi naman ako galit eh. Promise, hindi talaga. Nag-aalala lang ako. Baka napansin na rin Zach yung feelings ko.”
“Sus! Hindi yun! Manhid naman yun eh!” Biro ni Sam.
Tumawa naman ang lahat.
“Pero seryoso Phia, huwag ka malungkot, okay? Dapat happy tayo!”
“Zoe’s right, Phiana Agustin. Mag-oouting tayo kaya dapat mag-enjoy!”
“Inaalala ko lang rin kasi kung ano ang magiging reaction ko mamaya pagnakita ko na naman si Zach at Kath.” Mahinang sagot ng dalaga.
“Alam mo Phia? Puro ka alala!” Sabi ni Venice. “Isa lang ang advice namin sayo. Pilitin mong huwag magpaapekto.”
“She’s right again, Phia.”
“Alam mo Cindy? Puro ka rin, ‘She’s right, she’s right eh! Haha!”
“Kaya nga may sinabi akong ‘again’ diba? Pero alam mo Venice? Puro ka rin epal eh! Hahahaha!” Asar naman ni Cindy pabalik.
“Well, um,” Nag-iisip rin si Venice ng pang-asar kay Cindy pero walang pumapasok sa isip niya. “May point ka. Hahaha!”
Natawa na lang si Phia sa bangayan ng dalawa. At least, napapasaya naman nila ako eh. Haha!
“Ayun! Tumatawa na si Phia! Thank me and Venice, Agustin.” Natatawang sabi ni Cindy.
“Hay nako! Pero seryoso ulit---“
“Alam mo, Zoe? Puro ka rin—“
“Oo! Alam ko na, Venice! Ang epal mo talaga kahit kalian! Hahahaha!”
“Ako na nga ang magsasabi!” Sulpot naman ni Cindy. “Basta Phia, do not avoid him. Kasi mas lalo lang gugulo.”
Napangiti si Phia at napaisip. I think this is my signal. Tama nga siguro ang desisyon ko.
*
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
Fiksyen PeminatSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?
