2.
STRANGER
Lumipas ang oras at dumating na ang uwian. Okay naman ang takbo ng first day nina Phia at Venice bilang 1st year college students. Maliban lang yung napaaway siya dahil sa babae. Sa kamalasan pa ay classmate niya pala ito sa dalawang subjects. Doon niya lang nalaman na Carmina Binene pala ang pangalan nito.
Mabuti na lamang at mag-classmates sila ni Venice sa lahat ng subject dahil pareho silang kumuha ng Marketing.
"Phia! Nagdaday dream ka na naman ba!? Sobra na yan ha! Ano ba yang iniisip mo, or should i say, ‘Sino’ ba yang iniisip mo?" Sabi ni Venice sabay taas-baba ng kilay.
"Nice naman eh. Ikaw talaga, ang landi mo!" Sagot naman ni Phia.
"Wow, at ako pa yung malandi! Aminin mo nga, meron ka nang nabingwit nu?"
"Wala nga eh!" Naiinis na sabi ni Phia.
Mali naman kasi ang timing ni Venice. Badtrip pa kasi si Phia dahil sa Carmina Binene na iyon. Naramdaman niyang naglalakad palapit sa kanya si Venice. Akala niya magsosorry ito. Mali pala siya.
"Eh bakit ka defensive?" Wagas pa ang ngiting nakakaloko ni Venice.
"Venice talaga oh! Bahala ka na nga dyan!" Nauna nang naglakad si Phia papuntang parking lot.Sumunod naman si Venice na nakangiti pa rin.
Tinamaan na yata to eh.
Nakita nilang wala pa ang sasakyan nang makarating sila sa parking lot. Parehong nagtaka ang dalawa dahil 4pm naman ang kanilang dismissal. 5:30 na sabi sa kanya-kanya nilang relo.
"Phia, nasaan na si Manong? bakit wala pa?" Tanong ni Venice.
"Baka natraffic lang. Patience is a virtue, Venice" Sagot ni Phia.
"Ay taray, nag-english? Haha. Natuto ka na pala?"
"Tigilan mo nga ako Gonzales. (AN: Gonzales po ang apelyido ni Venice) Kanina ka pa."
Bumalik silang dalawa sa guard house. Unti-unti nang nababawasan ang mga estudyante. Palibhasa, first day of school palang kaya maaga ang oras ng uwian.
6:00 PM. Wala pa rin si Manong. Nababagot na talaga ako.
6:30 PM. MYGOSH! gabi na oh! Nakakainis na!
7:30 PM Ayan na. 2 hours na kaming naghihintay dito. Konti na nga lang ang mga studyante eh. Mga lima na lang yata kami.
8:00 PM. Kaming dalawa na lang natira ni Venice ngayon. Pati pala mga guards. Buti na lang at 24/7 ang security nila dito eh.
"Phia, kanina pa ako tinetext ni Mommy eh. Pinapauwi na ako. Alam niya kasing early ang dismissal natin ngayon" Paalam ni Venice
"Ah ganon ba? Sige, mauna ka na. May tricycle pa oh." Sagot ni Phia.
"Sigurado ka? Ikaw na lang mag-isa dito oh. Sabay na lang tayo.”
Umiling si Phia. “Maghihintay na lang muna ako dito, Nice. Baka papunta na rin yun.”
“Sure ka ah? Text mo ako agad kapag nakauwi ka na ah?” Tumango si Phia at nagbeso na sa kanya si Venice. Umalis na rin ito kaagad para mahabol pa ang tricycle.
So, ako na lang ang natira.
Naisipan ni Phia na itext ang kanilang driver. Hindi niya ito ginawa kanina dahil akala niya ay tulad lamang ito dati nung nasa highschool pa siya. May inutos pa kasi ang ama niya sa kanilang driver noong panahong iyon. 7:30 na siya nakauwi.
Nagsisimula na siyang mag-type nang biglang na-lowbat ang kanyang phone.
Seriously?! Ngayon pa talaga?! Ugh.
Walang nagawa si Phia kundi umupo na lamang sa guard house at maghintay. Gusto na sana niyang umuwi pero wala na siyang naabutan na tricycle.
“Nandito ka pa? Akala ko umalis na kayo kasama ang kaibigan mo.” Tanong ng guard sa kanya.
“Picture lang po to, Manong! Picture lang!” Natatawang sagot ni Phia.
“Ikaw talagang bata ka! Oh siya, magsi-cr lang ako ha, dito ka muna.” Umalis na din ito agad.
Ilang minuto pa, nagulat na lang si Phia nang may biglang nagtakip ng bunganga niya. Nagtaka agad siya sa nangyayari. Kung sino Manong Guard nga iyon, hindi naman siguro niya tatakpan ang bunganga ni Phia.
OMG! Hindi to si manong!
Doon lang naisip ni Phia na sigurado na siyang hindi iyon si Manong. Yung daanan papunta sa CR ay nasa kanan at nasa harap niya. Kumbaga, ito ay Northeast. Ang tumatakip naman sa mga mata niya ay galing sa loob.
Ang likod ko na katapat sa may gate.
Sinubukang makawala ni Phia. Naramdaman naman niyang bumitaw ang humahawak sa kanya ng kaunti. Siguro ay nahihirap na ito kaya kinuha ni Phia ang pagkakataong makatakas. Sinipa niya ang private part ng lalaki.
Dahil sa nangyari ay agad siyang nabitawan nito. Tumakbo lang ng tumakbo si Phia nang marating niya ang hallway. Siguro ay mga 20 meters ang layo niya mula sa guard house. Hihinto na sana siya sa pag-aakalang tinakasan niya na yung lalaki nang makita niya ang anino nito. Sumusunod pa rin ito sa kanya.
Narating ni Phia ang building ng Law. Marami itong pasikot-sikot kaya pumasok siya sa isang maliit na eskinita. Sakto namang nakita niya si Manong Guard na hinuhuli na ang lalaki. Pilit naman itong kumawala at nahihirapan na si Manong.
Tatakbo na sana ulit si Phia ng may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig.
Sino na naman ba to?! Don’t tell me, magkakuntsaba sila?!
Gusto ni Phia na sumigaw at humingi ng tulong. Pero wala siyang magawa dahil malakas ang lalaking humahawak sa kanya. Galaw siya ng galaw at pinilit niyang makawala. Napansin niyang nahihirapan na rin ang bumibihag sa kanya kaya iniharap siya ng lalaki at tinanggal ang pagkakatakip sa bibig nito.
Sisigaw na sana si Phia nang ilapat ng lalaki ang daliri nito sa bibig niya.
“Sshhhh..” Sabi ng lalaki.
His face was innocent.
Kitang-kita iyon ni Phia kahit madilim. Ramdam niyang hindi siya sasaktan nito. Maamo ang mukha ng lalaki. At inaamin niyang may itsura ito.
Tatanungin sana ni Phia ang lalaki nang makarinig siya ng footsteps. May paparating at bigla itong huminto malapit sa eskinitang tinataguan nila.
I can feel it. Yung stranger yun. Yung humabol sa akin kanina.
Ramdam ni Phia na lalapit na sana ang lalaking iyon nang marinig niya ang sigaw ni Manong Guard. Tumakbo na muli ang lalaki. Marahil gusto pa nitong mabuhay.
“Sumunod ka sa akin.” Sabi ng lalaking kasama niya.
“S-sino ka ba?” Tanong ni Phia.
“Hindi na yun importante. Halika na, umuwi ka na. Hindi kita sasaktan.” Sagot nito at sumunod na si Phia.
Narating nila ang isang masikip na daanan. Isang tao lang ang kasya doon. Paglabas nila ng daanan ay narating nila ang back gate. Dito napansin ni Phia na maraming dumadaan pati mga tricycle. Pumara yung lalaki ng isa.
“Marunong ka namang sumakay diba?” Tanong nito sa kanya.
Tumango na lamang si Phia. “S-salamat”
Tumango rin ang lalaki at umalis na.
*
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanfictionSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?