May nagbabasa pa ba nito, guys? Comment din kayo, please? :(
20.
PRELUDE
Napagdesisyon ng magkakagrupo na magvideoke. Mga 3pm pa lang kasi at mamayang gabi pa nila balak magswimming.
“Babe, kakanta ako para sayo!” Sabi ni Kevin at kinindatan si Zoe. Sinaway naman ni Zoe ang boyfriend.
“Teka, ako muna brad! Hindi naman mawawala yang si Zoe eh!” Pag-aagaw ni Sam.
“Mawawala yan! Ilang minuto na lang ang itatagal niyan dito sa labas, nuh. Babalik pa kasi yan dito sa puso ko.” Banat ni Kevin. Naghiyawa naman ang lahat.
“Ang corny Bro! Yuck! Hahaha!”
“Sus! Malapit ka na rin mainlove nu! Maghintay ka lang!”
“Gago! Sinong nagsabi?”
“Ako, tanga.”
Masayang-masaya si Phia kasama ang mga kaibigan. Alam niya na may sariling mundo sina Kath at Zach na medyo malayo sa kanila. Pero hindi na niya pinansin yun. Determined talaga siya na magmove-on.
“Malayong mangyari yun.” Kampanteng-kampante na sabi ni Sam.
“Asus!” Sulpot naman ni Zoe. “Malapit na Sam. Siguro mga 20 minutes na lang! Hahaha!”
“Tigilan niyo nga ako, lovebirds!”
“Inggit ka lang, Sam.” Sabi ni Cindy. “You’re so obvious, nu! Huwag mo na i-deny!”
“T-teka, bakit ba ako ang kinokorner niyo ah? Di ako bida dito, mga loko!”
“HB kasi ang bida natin eh.” Sagot ni Kevin.
“Excuse me?” Agad na depensa ni Phia. “FYI, moving on stage na ako nu! Hindi na ako heartbroken!”
“Oh tapos? Ako rin eh! Moving on stage na ako! Di lang halata! Hahahaha!”
“Heh! Gaya-gaya ka, Sam. Kanino naman ah?”
“Sayo.”
Natahimik ang lahat.
“S-sa akin?! / Sa kanya?!” Sabay na sabi nina Phia at Venice since pareho silang nagulat.
“JOKE! Hahaha! Asa ka, Phia! Mukha mo! Hahaha!” Tawang-tawa na sagot ni Sam.
“Baliw! Muntik na akong ma-heart attack dun! Pag ako namatay, mumultuhin talaga kita!” Banta ni Phia.
“Oo nga! Gulat rin kami, Sam! Loko-loko ka talaga kahit kalian!” Pagsang-ayon ni Zoe.
Naalala ni Sam na nagreact rin pala si Venice kanina. Hmm, matripan nga. Haha.
“Hoy Witch! Bakit ka nag-react kanina? May gusto ka sa akin nu?”
“Excuse me, Lizard?! Sayo?! ASA!”
“Hay nako! Eh nag-react ka nga kanina eh! Ayieee! Aminin!”
“Wala nga! Peste kang butiki ka!”
“Hahahahaha! Alam kong gwapo ako, Venice. Sasabihin mo lang naman na may gusto ka sa akin eh! Anong mahirap dun? Hahahaha!”

BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanficSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?