C. Eleven

502 10 12
                                    

11.

REGRETS

"Ano?" Naguguluhan na tanong ni Zach. Tama ba yung narinig ko? Naisip niya.

 "H-Ha? Sabi ko, madali m-mahulog sayo! Sa k-karantaduhan mo! Baliw! Kinilig ka naman!" Sagot naman ni Phia. Laking pasasalamat niya ng maka-isip agad siya ng pambawi sa kanyang sinabi.

Alam ni Zach na hindi yun ang narinig niya. Alam niya kung ano ang totoong sinabi ni Phia. Ngunit pinili niyang huwag na lang ito gawing big deal. “Sus! Dami mong alam Phia eh"  

Ilang minute pa, naglalakad na ang dalawa papunta sa parking lot nang may naisip muling kalokohan si Zach. Agad siyang lumapit sa tenga ni Phia at bumulong.

Pero seryoso, kinilig ako."

Agad rin lumaki ang mga mata ni Phia at napatingin siya sa binata.

"Pero joke lang! Kinilig ka rin naman!" Tawang-tawa na sabi ni Zach. Dahil dito, nakahinga naman ng maluwag ang dalaga.

 Akala ko kung ano na. Hay.

"Utot mo! Ako kikiligin sayo?! Mangarap ka ng gising, Sanchez!" 

"Hay nako! Ang epic nga ng mukha mo, Phia eh. Tara na nga!" 

 “Tara na talaga! 4pm na kaya! Anong oras ba ang napagkasunduan niyo ni Kath na magkita?”

Napatigil naman si Zach sa paglalakad. Shoot. Hindi ko pa pala natawagan si Kath!

“Huy! Okay ka lang?” Tanong ni Phia sa kasama.

“Bilisan na natin Phia! Hindi ko pa pala natawagan si Kath!”

“Ha? Edi tawagan mo na!”

“Teka, hindi pa natin napuntahan yung special place!”

Dumiretso sila agad sa lugar na sinasabi ni Phia. Parang nakita niya na kasi ang lugar na iyon pero hindi niya matandaan. Pinasimulan na rin agad ang setup para sa panliligaw ni Zach kay Kath. Tumawag ang binata ng kanyang mga tao para isabit yung ilaw sa puno pati na rin ang restaurant para sa food, table and chairs.

“Hello Kath?”

“Oh Zach, napatawag ka? May kailangan ka?” Malambing na bati ni Kath mula sa kabilang linya.

“Um Kath, pwede ba tayong magdinner? I-I mean, friendly dinner. Matagal na rin tayong hindi nagkausap eh. Okay lang ba?”

“Oo naman! When ba?”

“Actually, ngayon na. Free ka ba?”

“Now agad?” Tumawa naman ng mahina ang dalaga. “Sure. Free naman ako. Is 7pm fine?”

“It’s great. Bye. Kita na lang tayo mamaya.” Nakangiting ibinaba ni Zach ang tawag. Lumingon na muli siya kay Phia. “Samahan mo akong bumili ng flowers, bilis!”

Panay ang tanong ni Zach kay Phia kung anong bulaklak ba daw ang maganda at magugustuhan ng isang babae, lalo na daw si Kath. Hindi naman alam ni Phia kung anong isasagot niya dahil hindi naman niya talagang kilala si Zach. May lumapit sa kanila na saleslady at itinuro sila sa mga “New Arrivals”.  

Habang naghahanap sila, napansin ni Phia ang display ng blue roses. Naalala niya tuloy ang kanyang “Secret Admirer”.

“Huy Phia, may napili ka na?” Tanong ni Zach sa kanya habang lumalapit ito. “Blue Roses? Uy astig yan ah! Yan na lang!”

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon