C. Fifteen

439 7 12
                                    

15.

DEJA VU

Masaya ang magkakagrupo pagkatapos ng kanilang presentation dahil nakapasa sila. At dahil dito, sigurado na mataas ang grade na makukuha nila.

“Pero hindi tayo yung 1st place.” Malungkot na sabi ni Phia.

“Oo nga, hindi tayo magprepresent sa Intramurals.” Pag-agree naman ni Kevin. “Sorry Cindy.”

Lahat ay nalungkot dahil sa katotohanang sinabi nina Phia at Kevin. Lahat sila ay nagsorry rink ay Cindy pero natawa lamang siya sa ginawa ng mga kagrupo.

“Guys, we all did our best naman eh! Yun ang importante, okay? Don’t be sad na, guys! Dapat happy tayong lahat!”

Natawa na rin ang lahat dahil sa sinabi ni Cindy. Kahit gaano katalino ang kanilang leader, hindi pa rin maiiwasan ang pagkakikay nito.

“You know what guys?” Dagdag pa niya. “We have to celebrate! Game kayo? Outing sa resort namin sa Tagaytay? Hanggang Sunday tayo dun free na tayo tomorrow dahil nakapasa tayo!”

Isa kasi sa mga premyo ng mga makakapasa, ang 1st to 3rd Placers, ay walang klase kinabukasan.

Nagtinginan ang lahat at sabay-sabay na nagsabi, “Game!”

Nanalong 1st Place ang grupo nina Venice at sila ang magprepresent sa Intramurals. Siyempre, masaya si rin Phia para sa kanyang best friend.

Pero umuwi rin si Phia at  Venice kaagad dahil pinapauwi na si Phia ng kanyang Kuya Paulo. Tumatawag daw kasi ang kanilang Mommy at gusto siyang kausapin nito. Pagdating ni Phia sa bahay, naabutan niya ang si Paulo na mag-isang nakaupo sa garden at parang malalim ang iniisip.

“HUY!”

“Ano ka ba naman Bunso! Ginulat mo ako!” Reklamo ng kanyang Kuya.

“Haha! Kuya naman kasi! Ang lalim kasi ng iniisip mo!”

Nagulat dito Paulo. “A-ah, wala ah. Ikaw talaga!”

“Sus! Alam ko na. Nabusted ka nu? Pang-ilang busted mo na ba yan ah?” Natatawang sabi ni Phia. “Anong pangalan ng malas na babae?”

“Baliw! Malas ka diyan! Swerte yun pag nagkataon kasi nagkagusto ang tulad ko sa kanya!”

“Hay nako! Ano ba kasing problema mo Kuya?”

“W-wala nga, ang kulit! Maiba nga tayo. Bakit late ka na umuwi ah? Saan ka galing?!”

Buong pagtatakang tiningnan ni Phia ang kanyang Kuya. “Late ka diyan? FYI Kuya, 7pm po ang curfew ko. 6pm pa lang po! Tsaka,  saan ako galing? Malamang sa school! Diba nga tinawagan mo pa ako kanina para umuwi na, kasi sabi mo tatawag si Mommy?”

“Uh g-ganun ba? Sorry, nakalimutan ko. S-sige, akyat na ako. Hintayin mo na lang ang tawag ni Mommy.”

Nagtaka naman ang dalaga sa ikinikilos ng kanyang kapatid dahil alam niyang hindi naman talaga ito ganoon. Pinigial ni Phia ang kanyang Kuya.

“Kuya, nakausap mo na ba si Mommy?”

“Ah, o-oo. Sige Bunso, akyat muna ako.”

Dahil doon, lalong nagtaka si Phia. May tinatago na naman si Kuya sa akin.

 

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon