C. Eight

578 13 2
                                    

ATTENTION: (Kasi alam kong hindi niyo na naman to babasahin XD)

Remember yung sinabi ko na may chapter akong hindi na-upload? I think, yun na lang ang magiging Chapter 16 niyo. And, binabawi ko na yung sinabi kong “Hindi makakapekto yung pagrerevise kong ito sa takbo ng story.” Kasi promise, yung mga bagong readers diyan, gulong-gulo na. Sorry talaga, guys. Pero kailangan ko talaga kasing i-revise ang story na ito. Para sa inyo rin naman eh. Para hindi na kayo maguluhan and, as much as possible, I want to make things clearer. Advice ko lang sa mga new readers, well kung meron man, huwag niyo na lang muna basahin to habang ine-edit ko pa. Tsaka na lang, pagtapos na. Malapit na rin naman eh. Konting hintay na lang.

Thank you sa mga nakakaintindi. Pati na rin sa mga nakabasa. :)

8.

REVELATIONS

Kasalukuyang nasa mall sina Venice at Phia. Mamayang hapon pa naman ang klase ng dalawa kaya pareho nilang napagtripan na gumala muna bago pumasok. Una nilang pinuntahan ang Jollibee. Pareho kasing habol ng dalawa ang ‘French Fries’ nito.

"Phia! Phia! Phia!" Paulit-ulit na sabi ni Venice.

"Paulit-ulit, Venice?”

"Kamusta naman ang problema mo? Okay na ba?”

Napatingin na lamang si Phia kay Venice. Umiling na lamang siya.

“Sigurado kang ayaw mong pag-usapan?” Concerned na tanong ng kanyang kaibigan.

“Sasabihin ko rin sayo, Venice. Magtiwala ka lang sa akin.”

“Sus! Ang drama mo, sister!” Bumalik na muli ang hyper na Venice. “Oo naman nu! Ikaw pa!”

Natawa na lamang din si Phia.

“Pag-usapan na nga lang natin si Zach.” Sabi ni Venice sabay taas-baba pa ng kanyang kilay. Napatigil naman si Phia sa pagkain at umiwas ng tingin kay Venice. Napansin naman agad ito ng kanyang kaibigan.

“Teka, siya ba ang problema?”

Tumingin muli si Phia kay Venice at tumango.

“Omg Phia. Ilabas mo yan, someday ah! Ano, nag-break ba kayo?!”

Nasapak ni Phia ang kaibigan. “Gaga! Hindi nga naging kami eh!”

“Oh, eh anong pinagmumukmok mo diyan?”

“Sabi ko nga sayo, malalaman mo rin baling araw.” Nakangiting sabi ni Phia.

“Tsk. So, hindi kayo?”

“Hinde.”

“Hindi naging kayo?”

“Nope.”

“So, MU kayo, ganoon?”

“Hindi nu.”

“Nag-away kayo?”

“Hindi naman.”

“Ah, alam ko na. In-denial kayo pareho, nu?”

“Ako lang ata.” Bulong ni Phia sa sarili.

“Anong sabi mo, Phia?”

“H-ha? Wala. Basta sasabihin ko naman sayo eh. Paghanda na ako, promise.”

Oo na nga, Sige na.” Nagpatuloy ang dalawa sa pagkain ng maalala ni Phia yung katext ni Venice noong nasa library sila.

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon