Srsly, may nagbabasa pa ba nito guys?
22.
AWAITED
Dinala ni Kath si Phia sa tabing-dagat. Wala na rin masyadong tao sa lugar na yun dahil gabi na. Malamig ang hangin at parang sinasabayan nito ang malalamig na kamay ni Kath.
Umupo sila sa mga lounger. Nakatingin si Kath sa dagat kaya yun na din ang ginawa ni Phia. Matagal-tagal rin sila natahimik.
Huminga si Kath ng malalim. “Ang ganda ng dagat Phia, no? Kahit gabi na at hindi mo na siya masyadong nakikita, it’s still beautiful. Na-fefeel mo pa rin yung presence niya.”
Tumango si Phia. “Oo naman. Pero hindi ka ba kinikilabutan? I mean, nakakatakot kasi ang dagat pag gabi na eh. Parang any minute, gusto kang lunurin. Hehe. Ang dilim kasi eh.”
Tipid na ngumiti si Kath. “Kapag tinitingnan ko ang dagat, I feel calm. Nakasanayan ko na rin siguro since nung maliit ako, yung old house namin sa States ay nasa beachside lang. So, I think, ayun, hindi ako natatakot sa dagat.”
Sandali siyang napatahimik bago napatingin sa kasama at nagpatuloy. “I treated it as my friend and comfort zone since then.”
Ngumiti na lamang rin si Phia pabalik. Bakit niya ba sinasabi sa akin to?
“Um, ano ba yung sasabihin mo sa akin, Kath?”
Tiningnan ni Kath ang dalaga. “Phia, may itatanong ako sayo. P-paano ba magtapat sa isang tao?”
Ano daw? “Magtapat?”
“How do you tell someone the truth, when you know it will just hurt that person the most?”
“Ha? Anong pinagsasabi mo, Kath?”
Muling tumingin si Kath sa dagat. Kinakabahan na naman kasi siya.
Kaya nag-continue si Phia. “T-teka, diba sabi mo, gusto mo akong kausapin tungkol kay Zach? Err, tungkol kay Z-Zach ba to?”
“Um, what if, s-siya nga? I mean, for example, may gusto akong sabihin kay Zach. H-hindi ko kasi alam kung paano eh. So, uh, h-how do I tell him, Phia?”
Napaisip ang dalaga. “Well, kung yun talaga ang totoo, kailangan mo talaga sabihin sa kanya. Mas mabuti kasi na masaktan siya sa katotohanan, kaysa naman dun pa siya masaktan sa hindi naman totoo. Mas masakit kasi yun.”
Tumango na lamang si Kath at tipid na ngumiti.
“At tsaka, mas mabuti na sabihin mo na sa kanya agad. Well, yun ay kung ready ka na. Mas masakit rin kasi kapag sa, um, iba pa niya malalaman.”
Hindi pa rin nagsasalita si Kath.
“Uh, pwede ko ba malaman kung ano yung, err, sasabihin mo kay Zach?” Mahinang tanong ni Phia.
Nagdadalawang-isip si Kath habang naguguluhan naman ang kasama.
“You know Phia, may mga bagay na h-hindi mo pa dapat malaman ngayon. I-I mean, there is always a right time for everything.”
Napatango na lamang rin ang dalaga. “A-ah, okay lang Kath. Sorry.”
Paulit-ulit na napapaisip si Kath. Eto na ba talaga ang tamang panahon? Should I take this opportunity? Gusto rin naman niya malaman eh.
Kanina, sa kwarto ni Phia, nag-decide na talaga si Kath na sabihin ngayon kay Zach ang totoo. Pero nang makarating sila sa tabing-dagat, bigla siyang nakaramdam na parang gusto niya nang magback-out. Inunahan na naman siya ng takot.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanfictionSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?