9.
FAVOR
“Tsk. Siguro nga. Siguro nga panakip-butas ko lang siya.”
Rinig na rinig ni Phia ang sinabing iyon ni Zach. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaramdam ang dalaga ng kirot sa puso niya. Naramdaman din niya ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
Omg. No. Stop crying, Phia. Bakit ka umiiyak?! Wala ka namang gusto sa kanya, diba?!
Tila iba ang gustong sabihin ng katawan ni Phia sa mga sinabi ni Zach. Taliwas ito sa kanyang iniisip. At dahil ayaw niyang may makakita sa kanya, napagdesisyunan niyang lumabas ng classroom ng palihim. Paalis na si Phia nang matamaan siya sa isang upuan at nagalaw ito. Lumikha ito ng ingay na bigla nagpalingon kina Zach.
"P-Phia?! A-ah, k-kanina ka pa ba diyan?" Alam ni Phia na boses ito ni Zach. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito kaya hindi nakikita ng binata ang pag-iyak niya.
"A-ah, h-hindi. S-sige, mauna na ako.” Binilisan ni Phia ang kanyang pagtakbo. Narating niya ang dulo ng hallway. Bababa na sana siya sa hagdan nanag may humawak sa kanyang braso. Napalingon naman si Phia sa humawak sa kanya.
Mali. Bakit ba ako lumingon?!
"U-umiiyak ka, Phia.” Sabi nito sa kanya.
"H-ha? Hindi! May--may s-sipon kasi ako! Oo, tama, ganito kasi ako pag may sipon." Tumawa na lamang si Phia ng pilit kahit alam niyang halatang-halata iyon. Tinanggal niya rin ang pagkakahawak sa kanya ni Zach at saka siya kumaripas ng takbo. Hinabol naman ni Zach ang dalaga.
Nang mapansin ni Phia na nakalayo na siya, lumingon siyang muli sa kanyang pinanggalingan. Nakahinga siya ng maluwag nang wala na siyang makitang Zach na humahabol sa kanya. Tumigil na rin siya sa pagtakbo at nagsimulang maglakad papunta sa field. Umupo siya sa may paanan ng puno at yumuko habang yakap-yakap ang kanyang mga tuhod.
Ewan ko ba. In the first place, hindi ko alam kung bakit ako nasaktan. Siguro ganun talaga yung nararamdaman mo kapag nalaman mong ginagamit ka lang.
“Pero hindi naman ako masasaktan kung wala naman akong feelings for him, diba? Eh wala naman talaga eh!” Mahinang sabi ni Phia sa sarili. “Eh bakit ako nasasaktan?”
May gusto na ba talaga ako kay Zach?
Muling naramdaman ni Phia ang kanyang mga tumutulong luha. Naiinis si na siya sa kanyang sarili dahil ayaw niya nang umiyak. Ngunit hindi niya mapigilan. Tinakpan niya na lang ang kanyang mukha.
"Umiiyak ka nga. Tama na yan."
Narinig na lang ni Phia na may bigla nagsalita at umupo sa kanyang tabi. Sa tingin niya ay kilala na niya kung sino ito. Kaya hindi niya ito tiningnan.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanfictionSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?