C. Twelve

483 10 3
                                        

12.

SUSPICION

“Omg! What?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Venice kay Phia sumunod na araw. Matapos ikwento ni Phia ang nangyari kina Zach at Kath, ganito na agad ang naging reaksyon ng kaibigan.

“Ganun talaga yung nangyari eh.” Kaswal na sagot ni Phia.

Nanghinayang naman si Venice. “Eh paano na ang ZacHia?”

“ZacHia ka diyan?”

“Zach and Phia! Ano ka ba, Phia! Ang dense mo naman! So, paano na kayo?”

“K-kami? Walang kami.”

“Eh paano na yung feelings niyo para sa isa’t-isa?”

Napatigil doon si Phia. “Um, Venice? Naalala mo ba yung sinabi ko sayong problema ko?”

Tila naguluhan naman si Venice. “Problema? Ah! Oo naman! Yun ba yung…teka, ready ka na bang sabihin sa akin?”

 “Isa lang naman ang problema ko Venice eh. Simula pa lang pala, mahal ko na si Zach.”

“Guys, may practice na tayo every Dismissal ah? Tapos magtutulong-tulong na lang tayo sa paggawa ng props. So, sino ang pwedeng maging Corazon?” tanong ni Cindy.

Sabado ngayon at dahil sa napagdesisyunan, nasa bahay ni Phia ang magkakagrupo. Okay naman ang lahat maliban lamang sa mismong may-ari ng bahay. Hindi niya kasi alam kung paano siya gagalaw sa harap ni Zach, ngayon pa at inamin na talaga niya sa kanyang sarili na may gusto siya rito.

At kinaiinisan pa niya ang kinikilos ni Zach habang nakangiting tinitingnan ang kanyang cellphone.

Ka-text na naman siguro nito si Kath. Tsk. Hay.

“Phia!” paulit-ulit naman na tawag ni Cindy. Nakatulala pa rin kasi si Phia.

“Phia!”

“H-ha?” Napatingin na rin si Phia sa tumatawag sa kanya.

Nagdeath-glare naman si Cindy. “Sabi ko, ikaw ang magiging Laura ah?”

“Ano? B-bakit ako? Hindi ako marunong mag-act!”

“Sige na Phia! Ikaw ang magiging best friend ko!” pagkumbinsi ni Zoe. Siya naman ang naatasang maging Corazon.

“Tsaka Phia, nakalimutan mo na ba? Dalawa lang kayo ni Zoe ang natitirang babae para mag-act kaya wala ka na talagang choice.” Sabi muli ni Cindy.

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon