C. Twenty-one: Special Chapter

177 2 0
                                        

I mean it literally, guys. Special Chapter talaga ito. Hindi yan title lang. Hahaha. Ah basta, ibibitin ko muna kayo. Hahaha.

21.

SPECIAL CHAPTER

Sumilip si Sam sa room nina Venice dahil bahagyang nakabukas ito. Nakita niyang gising na ang dalaga pero nakahiga pa rin ito sa kama at nakangiting nagtetext.

At sino naman kaya ang katext niya? Nakangiti pa huh!

Masayang katext ni Venice si Spade Manalo, ang lalaking sinabi niya kay Phia na ipapakilala niya sa Intrams. Sa ibang school kasi ito nag-aaral pero naging magkaibigan sila ni Venice dahil sa di inaasahang pagkikita.

Coincidence lang ang lahat, ika nga. Masasabi ni Venice na mabait na tao si Spade dahil na rin sa pagkikitang yun.

Magrereply na sana siya sa binata nang makita niyang bumukas ang pinto. Talagang nagulat si Venice sa nakita. Si Sam?!

Pagpasok ni Sam sa room, nagkatinginan sila ni Venice sandali pero agad rin itong humiga ng patalikod sa kanya. Umupo siya sa katabing kama ng dalaga.

Huminga siya ng malalim. “Witch, tumingin ka nga sa akin.”

Bwisit. Bakit ba kasi siya nandito?! Hindi nagsalita si Venice. Aish. Aalis naman siguro siya kapag hindi ko siya kakausapin diba?

“Witch, kinakausap kita.” Bakit ba kasi nagpapanggap pa siyang tulog? Peste naman oh.

“Hoy Witch, may sasabihin ako sayo kaya tumingin ka sa akin.”

Wala pa rin balak si Venice na kausapin si Sam. Bahala ka sa buhay mo. Lumayas ka na kasi.

“Hoy Mangkukulam, huwag ka na nga magpanggap diyan. Alam kong hindi ka totoong natutulog.” Tatanga-tanga kasi eh. Nakita ko na nga siya pero tinatanggi pa.

“Ano ba, Witch! Naiinis na ako. Bumango ka na nga diyan! Natutulog ba ang mga mangkukulam, ah?!” Iritadong sabi ni Sam.

Nainis na rin si Venice. Alam naman pala niya na hindi ako totoong tulog eh! Di ba obvious na ayaw ko siyang kausapin? Tanga much!

Na-realize ni Sam ang kanyang nasabi. Tae. Bakit mo pa inaaway, Sam? Magsosorry ka nga, diba?Eh pero siya rin naman ang may kasalanan eh! Nanunulak kasi!

Huminga ulit si Sam ng malalim. Okay, okay. Gagawin na. Hay. “V-Venice..”

Nagulat dito ang dalaga. Hindi niya akalain na tatawagin siya ni Sam sa kanyang pangalan. Puro ‘Witch’ or ‘Mangkukulam’ lang kasi ang tinatawag sa kanya ng binata kahit sa simula pa lang.

Mga 5 minutes din ang lumipas at nagsalita ulit si Sam. “P-please?”

Halatang kalmado na ito at parang nagmamakaawa. Dahil dito ay nakonsensiya si Venice. Ay nako, anong gagawin ko? I still have a heart, diba?

Bumangon si Venice sa pagkakahiga at tiningnan si Sam. Magkaharap silang nakaupo.

“Tatayo ka rin naman pala eh! Dapat kanina mo pa yan ginawa! Arte-arte!” Pagrereklamo ni Sam.

“Hoy, yan na ba ang sasabihin mo? Well kung yan na nga, mas mabuti pang umalis ka na lang! Tae, wala ako sa mood para makipag-argue sayo!”

“Hoy din, hindi yun ang sasabihin ko! Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh! Arte-arte mo!”

“So? May karapatan ako para mag-inarte. Maganda ako eh.” Sabi ni Venice at nagsmirk.

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon