3.
UNEXPECTED
“Huwaat? Talaga Phia? Oh tapos? Ano na?"
Kung makasigaw talaga tong si Venice eh! Wagas!
Nasa cafeteria sina Venice at Phia habang hinihintay ang first period nila. Napagtripan kasi nilang pumasok ng maaga. Habang naghihintay, nagkwekwento naman si Phia tungkol sa nangyari kagabi matapos umalis ni Venice. Hindi na nagtaka kung bakit sinaniban-este nagkaganyan si Venice matapos siyang magkwento.
"Phia naman eh! Sinabi ko na kasi sayo na sumabay ka na! Kita mo tuloy ang nangyari!" Pangangaral ni Venice
"Edi ikaw--"
Nagulat na lang si Phia nang bigla siyang sinampal ni Venice.
"Bakit mo ginawa yun?" Nagtatakang tanong ni Phia.
"Ang sakit ha!" Tiningnan siya ni Venice. "Ang kapal talaga ng mukha mo!”
Tila natigilan naman si Phia. Ano daw? Saan naman nanggaling yun? Nang ma-realize niya kung ano ang ginagawa ni Venice, siya naman ang namalo.
"Aray naman, Phia!" Reklamo ni Venice.
"HOY! IKAW NGA DIYAN EH! ANNE CURTIS ANG PEG? ANO TO? A SECRET AFFAIR?" natatawa kong tanong sa kanya. Gagi talaga to kahit kailan eh.
"Hahaha. Nakikiuso lang naman, Phia eh. Tingnan mo, may 'A Secret Affair' tapos may 'A Beautiful Affair', ano kayang sunod, AFFAIR DISAFFAIR?" sabi ni Venice.
Sinapak ko na naman ulit. "Gaga ka talaga! Ang lakas ng trip mo ngayon nu!"
Napansin nina Phia at Venice na malapit na pala magsimula ang first period kaya naisipan na nilang bumalik sa classroom. Habang naglalakad, naalala ni Phia na na-save niya pala ang kanyang report sa phone. Napatigil siya sa paglalakad dahil hindi niya ito mahanap.
“Oh, anong nangyari sayo?” Tanong sa kanya ni Venice.
“Naiwan ko yata yung phone ko sa cafeteria!”
“Ano?! Tara, bilis!”
Dali-daling tumakbo sina Phia at Venice pabalik sa cafeteria. Laking pasasalamat ni Phia ng makita niya ang hinahanap na nasa mesa na inupuan nila kanina. Nang makuha niya ito, dali-dali naman siyang tumakbo pabalik kay Venice. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.
Aminado naman si Phia na siya ngayon ang nakabangga. Natapon tuloy sa sahig ang pagkain na hawak ng nabangga niya.

BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanficSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?