13.
DESTINED
“Bakit ganito ang nangyayari sa atin, Anthony? Bakit masyado maraming hadlang?”
“I know nothing, Corazon. But I assure you; I will let no one come in between us.”
“And cut!” Sigaw ni Cindy.
Kasalukuyang nagprapractice ang magkakagrupo sa bahay ni Zach. May bisita kasi sa bahay nina Phia kaya napilitan silang maghanap ng ibang lugar para sa kanilang practice. Nag-volunteer naman si Zach kaya doon na pumunta ang lahat.
“Nice Job, Zoe and Kevin! Buti na lang talaga at mag-on kayo in real life!” Natatawang dagdag pa ni Cindy.
“Oo nga nu?” Sabi naman ni Zoe.
“Hay nako, swerte-swerte lang talaga yan! Oh sige, next scene na. Malapit na tayong matapos!”
Si Phia naman ay nagmememorize ng kanyang mga lines kasama si Sam. Hindi nito napapansin ang tahimik na si Zach na nakaupo lamang sa isang lugar.
“Bro, phone mo nagriring.” Sabi ni Sam sabay abot ng phone kay Kevin.
“Thanks, Bro.” Sandali pang tiningnan ni Kevin ang caller sa screen ng kanyang phone. Parang hindi siya sigurado kung sasagutin ba niya yun o hinde.
Huminga na lamang siya ng malalim. “Hello?
“Kevin, kailangan mong pumunta dito sa kompanya. Nagback-out ang mga shareholders natin at gusto nilang kunin ulit ang pera nila.”
“Ano? Bakit kuya? Anong nangyari?”
“Pumunta ka na lang dito. And please, do it fast.”
Lahat ng mga taong kasama ni Kevin ay tiningnan siya ng pagtataka.
“Babe, anong nangyari?” Tanong ni Zoe.
Lumingon si Kevin kay Cindy. “Kailangan niyo na akong palitan. Hindi na ako pwedeng maging Anthony, Cindy. May problema kasi sa company namin at tinawagan na ako ni Kuya. Kailangan ko yun puntahan.”
“Ano?!” sigaw ng lahat.
“Hindi ba pwedeng mag-stay ka muna? Sandali lang naman eh. Malapit na tayong matapos!”
Umiling ang binata. “As much as gusto ko na rin tapusin to, hindi talaga pwede. Parang galit nga si Kuya eh. I really have to go.”
“Teka,” sabi ni Phia. “Nag-mamanage ka na ng company kahit 1st year college ka pa lang?”
“May share ako sa company na yun eh kaya, unfortunately, yes.”
“How about your role, Kevin? Kaya mo ba yun ipagsabay?” Tanong ni Cindy.
Sandaling natahimik si Kevin. “Palitan niyo na lang ako, Cindy para sure. Si Zach na lang ang magiging Anthony. Kaya niya yan.”
Nagulat naman si Zach. “Ano?! Bakit ako?”
“I’m sorry guys. Kailangan ko na talagang umalis.” Lumabas na nang pinto si Kevin at sumama naman sa kanya si Zoe. Ang apat na magkakagrupo na lamang ang natira sa bahay nina Zach.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanficSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?