I will stick to weekly updates.
Minimum is 4 or 3 a week. I mean, the chapters ba. Hindi ko yata kaya ang minimum na 5. Hahahaha. Pero if I can, I will. Naks. Haha.
19.
ACHIEVED
Pagdating nila sa Tagaytay, agad silang inentertain ng isa sa mga staff ng resort. Nagpareserve na rin si Cindy ng tatlong rooms. Sa isang room ay magkakasama sina Zach, Sam at Kevin. Dahil sa kagustuhan ni Venice na maging close rin sa iba, nagpaalam siya kay Phia na sina Cindy at Zoe at makakasama niya.
Pumayag naman si Phia. Gusto rin niya na mag-enjoy ang kaibigan.
Pero parang natauhan ang lahat except kina Zach at Kath. Kahit gusto man nina Cindy, Zoe at Venice, alam nilang hindi pwedeng magkasama sina Phia at Kath sa isang room.
Baka ano pa ang mangyari. Napaisip si Venice. “Um, kami na lang ni Phia ang magkasama sa third room.”
“Sure ka ba, Nice? Okay lang ba?” Bulong ni Phia. Tumango naman ang dalaga. Alam ni Venice na mas imporrtante ang situation ng best friend. Napansin ito nina Cindy at Zoe.
“Uh, alam mo Venice, ako na lang ang magiging kasama ni Phia sa third room. Para at least, makasama mo rin si Cindy.”
Siniko ni Cindy si Zoe. Nagtatakang tumingin si Zoe sa kanya.
“Ay, pati si Kath rin pala. Hehe.” Nakangiting dagdag ulit ni Zoe.
“Y-yeah, share tayo ng room with Venice, Kath uh?” Sabi naman ni Cindy. Tumango na rin si Kath. “Okay, let’s go na guys!”
Hinila ni Phia si Zoe ng palihim. Gusto rin sana niyang isama si Cindy pero nauna na ito kasama ang iba dahil siya pa ang magtuturo kung saan ang mga rooms.
“Okay lang ba talaga sa inyo? Kung wala rin siguro akong choice, kaya ko naman kasama si—“
“Sshh. Baka marinig nila tayo ,oh.” Lumingon muna si Zoe sa ibang mga kasama bago lumingon ulit kay Phia. “Friend, okay lang sa amin yun. Alam na nga namin, diba? Ayaw naman namin na ma-awkward ka at malungkot. Dapat mag-enjoy tayo ngayon, okay?”
Napangiti dito si Phia. “Thank you. Thank you talaga.”
Kasalukuyang kumakain ang lahat ng lunch. Minamalas ata talaga si Phia at si Kath pa ang nasa harap niyang nakaupo. Katabi nito si Zach at nagsusubuan pa ang dalawa.
Kung bakit ba naman kasi dito pa ako naupo. Argh.
Katabi ni Kath si Cindy kaya napapansin nito ang naiinis na Phia. Lumingon siya kina Kath at Zach.
Napailing dito si Cindy. Hay nako, alam ko na kung bakit siya ganyan.
Tiningnan na lamang ni Cindy si Phia at nginitian habang umiling ulit – senyales na sinasabing huwag na lang niya pansinin ang dalawa.
Ngumiti naman si Phia at huminga ng malalim. Phia, ano ba! Huwag daw dapat magpaapekto, diba? Tama si Cindy eh! Tsktsk.
Sumunod na naglakad-lakad ang magkakagrupo. Inikot nila ang resort nina Cindy. Picture doon, picture dito.
“Phia! Kunan mo kami ni Kath!” Masayang sabi ni Zach. Medyo malayo sa kanya si Kath at parang naghahanap na ito ng magandang pwesto.
Tae ka Zach?! Bakit ako pa?! Nakatingin pa rin si Phia sa binata nang may ma-realize siya. Ay nako! Conceal, don’t feel dapat, Phia! Huwag magpaapekto! Argh!
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanficSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?
