C. Fourteen

409 7 1
                                    

14.

COINCIDENCE

 

“At mas pinili mo akong paniwalaan?” Tanong ni Phia kay Zach.

Alam ni Phia sa sarili niya na hindi siya nagsisinungaling. Totoo talagang nakita niya si Kath nung araw na yun. Pero hindi niya magawang isipin na mas pinaniwalaan siya ni Zach kaysa sa girlfriend nito.

“Naniwala ako sa sinabi mo Phia, dahil napatuyan ko.”

“Teka, kaya ka ba umalis pagkatapos natin dalhin ang mga pagkain sa bahay?”

Tumango na lamang si Zach.

“Pero diba sabi mo, may kukunin ka lang sa bahay niyo? Kaya pala ang tagal mong bumalik, eh nasa parehong village lang naman tayo nakatira.”

“Nagsinungaling ako, Phia. Sorry talaga.”

*FLASHBACK*

(Zach’s POV)

Dumiretso ako sa school nina Kath at nagulat ako nang makita kong serado yung gates. May kotse si Kath, at hindi siya umaalis ng hindi gamit ang kotse niya. Sigurado ako na lahat ng estudyante dito may kotse kaya pag may estudyanteng pupunta sa school, inoopen nila ang gates para may lugar sila pang parking.

Pero katulad ng sinabi ko kanina, serado ang mga gates ngayon.

Nakita ko yung guard na palabas ng gate. Agad ko naman itong nilapitan.

“Uh, Kuya Guard, nasaan na ang mga estudyante?”

“Ah, walang pasok ang paaralan na to ngayon. May meeting kasi ang lahat ng mga guro.” Sagot naman ng guard.

“Sigurado po ba kayo? Uhm, may nagprapractice po ba diyan? Mga cheer leaders po?”

“Wala hijo eh. Pinagbabawalan ang mga group meetings ngayong araw at mga practices. Sige, mauna na ako sayo.” At pumasok na ulit ito sa loob ng campus.

Teka, ano daw? Walang practice? Paano nangyari yun?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang alam kong matalik na kaibigan ni Kath na cheer leader din.

“Hello, Julia?”

“Zach? Napatawag ka?”

“Um Juls, asan ka ngayon? Magkasama ba kayo ni Kath?”

“Nasa bahay ako ngayon, Zach. Wala kasi kaming practice. Tsaka, bakit mo hinahanap si Kath? Hindi kami magkasama nun. May lakad daw siya eh. Akala ko nga, may date kayo.” Natatawang sabi ni Julia.

“A-ano? S-sige. Salamat.”

Ngayon, sigurado na ako sa kung sino ang nagsasabi ng totoo.

 

(End of Zach’s POV)

*END OF FLASHBACK*

“N-nagsinungaling siya sa akin, Phia,”

“Baka naman, may reason siya, Zach. Nag-usap na ba kayo?” Masinsinang tanong ni Phia.

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon