C. Twenty-three

224 1 0
                                        

23.

OVER

Nakangiti ng malungkot si Kath. “I just went here to say goodbye.”

Naguluhan kaming lahat at nagtinginan. Except for Zach.

Pagbalik kasi namin ni Zach sa hotel, agad kami sinalubong ng new-found barkada namin. Napansin rin nila na parang may hindi magandang nangyari, based daw sa mga mukha namin, lalo na nung kay Zach since namumugto pa yung mata niya.

Kaya ayun, nagulat ang lahat pagkatapos namin magkwento. Ay, ako lang pala. Tahimik pa rin kasi si Zach eh. Pero based sa mga reactions nila kanina, pare-pareho kami na hindi masisi si Kath. Well, except for Zach pa rin. Hay.

“Aalis ka na, Kath? Hindi ka pa nga nagspend ng kahit one night dito eh.” Tanong ko.

“Nasabi ko na rin naman ang gusto kong sabihin. I don’t think I still have a reason to stay here.”

Sumingit na rin si Cindy. “Pero, don’t you want to stay at least one night? Gabi na kasi and madilim na rin sa labas ng resort.”

Umiling naman si Kath. “Uh no, it’s okay. Nagpasundo naman ako eh.”

Tumango na lang kaming lahat tapos natahimik na ulit. Hay, ano ba yan.

“Um, sige guys, I really have to go. Thank you for everything.” Lalabas na sana si Kath nang pigilan siya ni Venice, na ikinagulat namin.

“K-Kath, I-I’m sorry. I’m sorry kasi nag-judge ako sayo kaagad kahit na hindi ko pa naman alam ang buong kwento mo. Sorry talaga.”

“Oo nga, Kath. Sorry rin. Ganun din yung ginawa namin.” Sabi naman ni Zoe. Isa-isa na rin lumapit yung iba at nag-sorry. Gusto ko din sana lumapit pero parang undecided ako eh.

But then, wala naman siyang kasalanan sa akin diba? Ako pa nga yung meron, since nag-judge din ako sa kanya.

Lalapit na rin sana ako kasi napansin ko na niyayakap na ni Kath yung iba, nang hawakan ni Zach yung kamay ko at pinaupo ako ulit. Nakita ko na lang na si Kath na pala ang nakalapit sa amin. Tiningnan niya si Zach kahit na hindi ito tumitingin sa kanya. Emotionless pa rin kasi eh.

“Totoong nagsosorry ako sayo, Zach. I’m sorry for everything. Sana maniwala ka sa lahat ng sinabi ko. And I hope na makakahanap ka rin ng totoong magmamahal sayo someday.”

Nagulat naman ako nung sa akin na pala tumitingin si Kath. "Thank you sa lahat, Phia. And I’m sorry too. Ikaw na ang bahala kay Zach since I know na aalagaan mo naman siya eh."

Nag-nod na lang ako at nagsmile ng malungkot. Tapos niyakap ko siya. Nakakaawa rin si Kath eh.

(End of Phia's POV)

*END OF FLASHBACK*

Naalala na naman ni Phia ang pangyayari na yun. Nakaupo siya sa isa sa mga sofa sa living room ng kanilang bahay. Hinihintay niya ang kanyang sundo at dahil wala siyang magawa, bumalik ulit sa kanya ang mga nangyari nung outing nila ng barkada.

Parang ang surreal kasi eh. Simple lang naman ang life ko eh, pumasok sa school, mag-aral, hang-out with friends, uwi sa bahay. Tapos biglang nangyari yun. Hay.

"Phia, nandyan na ang sundo mong pogi. Hahahaha."

"Ay," Gulat na sagot ng dalaga. Doon lang siya nabalik sa reality. "Kanina pa po ba nandiyan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon