5.
THOUGHTS
Seryoso? Kaloka talaga yung nagbigay ng flowers eh! Ang dami niya talagang ek-ek sa mundo! May pa Bebe pang nalalaman, edi hindi ko nga siya kilala.
Nilagay ni Phia ang mga bulaklak sa isang sulok sa kanyang study table. Payapa siyang gumagawa ng kanyang mga requirements nang kumatok ang kanyang Yaya Nora.
"Phia! May bisita ka!" Sigaw nito sa kanya.
"Yaya naman eh, nandito lang po ako oh! Ang lakas naman!"Pagrereklamo ni Phia. Ilang metro lang naman kasi ang layo ng dalawa.
"Sensya na, may nakain yata akong megaphone. Oh siya, bumaba ka na. May boylalu sa baba!" Sabi ulit ni Yaya Nora saka na bumaba.
Ha? Ano daw? Ibig sabihin, lalaki?
Agad na napatingin si Phia sa orasan. 7pm na ang nakalagay doon. Dahil nagtataka si Phia kung sino ang bisita na iyon, dali-dali siyang bumaba.
"Zach? Anong ginagawa mo dito?"
"Edi binibisita ka." Sagot nito. Nakaupo si Zach sa sofa ng living. Feel at home naman ang binata.
"Wala akong sakit." Umupo naman si Phia sa tabi ng binata.
"Bakit? Ang may sakit lang ba ang dinadalaw?"
"Eh kung sabihin ko na oo?"
"Talaga? May sakit ka? Siguro napagod ka na nuh? Kakatakbo pabalik-balik dito sa puso at isipan ko."
Ay? Bumanat? Di uso yan.
Ngunit muli, inaamin na naman ni Phia na kinikilig siya.
"Hay nako! Bumabanat ka na naman! Ano nga bang ginagawa mo dito?" Mataray na tanong Phia. Ayaw niyang mapansin ni Zach na kinilig siya.
"Magdadate tayo. Bihis na!" Sagot ni Zach at hinila ang dalaga papunta sa taas.
Hinila naman ni Phia ang kamay niya pabalik. "Ha? Date? Anong date ang sinasabi mo diyan ha?"
"Date. D-A-T-E. Yun na yun! Bilis na."
“Ganitong oras ng gabi?”
“Malamang. Dinner Date eh. May dinner ba sa umaga?”
Mag-dadate daw kami? What?
“T-teka nga! Sigurado ka ba?”
![](https://img.wattpad.com/cover/2311220-288-k923940.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanfictionSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?