I-clear ko lang po. Yung roses, totoo yun. Totoo na binigyan siya ni Secret Admirer. Pero yung date ni Phia at Zach, dream lang talaga. Yung flashback ni Phia ay continuation lang ng Chapter 5. Cut yun sa dulo, remember? Wala lang, pambitin lang yun that time haha. Tsaka, pampa-analyze lang rin yun. :)
16.
GRATITUDE
“Phia! Halika na dito! Bakit nandiyan ka pa?” Sigaw ni Zach sa kasama. Kanina pa kasi niya napansin na nakatayo pa rin si Phia sa malayo at parang may tinitingnan sa puno.
“A-ah, oo.” Lumapit ang dalaga kay Zach at umupo sa tabi nito.“Paano mo nga pala sila napapayag ah? Kung si Yaya lang, madali lang yun. Eh si Kuya?”
Nakangiti ng nakakaloko si Zach. “Sinabi ko kasi na boyfriend mo ako at magdadate tayo.”
“Ano?! Sinabi mo yun?!”
“Haha! Yeah. Ang galing ko nu?”
“Ugh. Bawiin mo nga yun mamaya!”
“Huwag na! Totoohanin na natin!”
Nagulat ang dalaga sa sinagot sa kanya ni Zach. “W-what?”
“JOKE! Hahaha!” Tawang-tawa na sabi ulit sa kanya ni Zach. Nakahinga si Phia ng maluwag. Pero naramdaman din niya na parang na-disappoint siya.
Sandaling natahimik ang dalawa. Kinuha na yun ni Zach as opportunity para masabi ang gusto niyang sabihin. Lumingon siya sa kasama, hinawakan ang kamay nito at ngumiti. “Phia, salamat.”
Nagulat naman ang dalaga. Kailangan talaga ng holding-hands? Argh. Pinapalala mo lang ang lahat, Sanchez! “P-para saan naman?”
“Sa lahat. Thank you for being my best friend. Thank you for being there. Salamat kasi nadadamayan mo ako at na-cocomfort. Salamat kasi naging totoong kaibigan ka sa akin. Thank you kasi tinutulungan mo ako. Ang dami mo nang nagawa para sa akin. Salamat talaga sa lahat-lahat, Phia. Kahit tinatarayan mo ako dati, hindi ko pa rin makakalimutan na ikaw yung nagsabi na magstart tayo ulit. At naging best friends na tayo dun. Ngayon ko na lang ulit naramdaman na may kaibigan talaga ako. Thank you for existing, Phia. Thank you for coming into my life.”
Hindi inalis ni Zach ang tingin sa dalaga habang sinasabi niya ang lahat ng ito. Patunay lang na totoo talaga siyang nagpapasalamat.
SI Phia naman ay hindi alam kung anong sasabihin. Pero kusang-loob na siyang ngumiti. Omg! Kikiligin na ba ako?!
“Uy! Magsalita ka naman!” Natatawang sabi ni Zach.
Natawa na rin ang dalaga. “Teka, curious lang ako. Kailan pala yung last time na nagkaroon ka ng true friend?”
Nawala ang mga ngiti sa mukha ni Zach. Pero ibinalik niya rin ito kaagad. “Si Past yun, Phia. Yung sinasabi kong before kay Kath. Actually, naalala nga kita sa kanya eh. Basta. Hindi ko kasi maalala yung mukha niya haha!”
“Baka naman ako talaga si Past ah? Haha!” Biro ni Phia.
“Hahaha! Oo nga! Baka ikaw! Hay nako, edi ibig sabihin, meant to be talaga tayo!”
Pero hindi, Zach eh. Hindi ako yung Past mo. Tsaka may Kath ka eh. May naalala naman si Phia sa kanyang naisip. “Maiba tayo, Zach. Okay na ba kayo ni Kath?”
“Opo, Phia. Buti na lang at sinabihan mo ako na kausapin siya agad. May surprise pala siya para sa akin kaya napilitan siyang magsinungaling. At yung lalaki na kasama niya, kaibigan niya daw na tinulungan siya.”
Inaamin ni Phia na nalungkot siya sa sinabi ni Zach. Nasaktan na naman siya. Pero naguluhan rin siya sa huling sinabi ng kasama. “K-kaibigan? Magkaibigan lang sila?”
“Oo. Alam mo kasi, hindi marunong magbake si Kath. Napanood niya kasi sa isang TV show na gumagawa ng cupcakes yung isang chef. Tapos na-sweetan daw siya kaya nagpaturo siya magbake sa kaibigan niya na yun. Gusto niya daw kasing gumawa rin ng cupcakes para sa akin.”
Eh bakit sila nasa Ice Cream Parlor? At naghoholding hands pa? Binigyan pa ng bulaklak! Friends ba ang tawag mo dun?!
Gusto pa sana yun itanong ni Phia pero ayaw niya nang sirain ang masayang aura ng kasama. Isa pa, hindi rin naman alam ni Zach ang tungkol sa holding-hands at bulaklak eh.
“So, o-okay na talaga kayo?”
Tumango si Zach at ngumiti. Ngumiti rin si Phia ng pilit pero hindi na niya ipinakita sa kasama.
“Oh Phia, natahimik ka na naman! Na-realize mo na ba na may gusto ka sa akin kaya na-disappoint ka nang malaman mong okay na kami ni Kath, ha?” Biro ni Zach.
Napatingin agad ang dalaga sa kanya. Oo, Zach! Tama ka! Saktong-sakto! Bakit ba ang manhid mo! Buti pa yang mga biro mo nakakaramdam!
Dahil dito, nainis at nasaktan si Phia. Ang katotohanan na ayaw na ayaw niya nang harapin ay biro lang pala para kay Zach. Well sabagay, hindi naman kasi niya alam.
Hindi pa rin nagsalita si Phia kaya nagtaka na agad ang binata.
“Teka, t-totoo ba yung sinabi ko Phia? T-tama ba ako? Bakit ganyan ang r-reaction?” Kinakabahang tanong ni Zach. Joke lang naman yun eh. Tama ba ako?
Napaisip si Phia. Dapat na ba akong umamin?
“Z-zach, k-kasi—“ Unti-unti siyang umiyak at sinabing, “JOKE!”
Tuloy-tuloy sa pagtawa ang dalaga habang nakatulala pa rin si Zach. “J-joke?”
“Ganoon ka na ba kababaw, Zach? Gumana talaga acting ko? Omg! Hahahaha!”
“Ang engot mo Phia! Napaniwala mo ako dun! Baliw ka talaga! Sobra!”
“Dapat na ba akong mag-audition sa Drama Club? Hahaha!”
“Tigil-tigilan mo na ako Phiana Agustin.”
“Joke lang naman, Sanchez eh! I’m so happy kaya for you and Kath!” Sagot ni Phia at pinisil ang mga cheeks ni Zach.
“Nakakainis ka ah! Swerte mo at malaki ang utang na loob ko sayo! Swerte mo talaga, bwisit!”
“Hahaha! Pikon!”
“Hay nako. Pero seryoso, salamat talaga Phia ah? As in.” Niyakap ni Zach si Phia. Yumakap din naman pabalik ang dalaga.
Ngayon na-realize ni Phia na hindi niya pa kayang umamin kay Zach ngayon. Pipilitin na lamang niya ipakita na masaya siya kahit na nasasaktan talaga siya sa loob. Iniisip niyang masasanay rin naman siguro siya.
Dapat i-enjoy ko na lang ang mga moments na katulad nito. Mga moments na magkasama kami at masaya.
“Alam mo, may good news pa ako para sayo.” Pagsisimula ni Zach pagkatapos ng ilang minutes na tumahimik sila.
“Hmm? Talaga? Ano naman yun?” Tanong ni Phia at umalis sa pagkakayakap.
“Sasama si Kath bukas sa outing ng barkada.”
*

BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanfictionSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?