C. Six

626 15 4
                                    

I changed the names. Mga classmates ko kasi in real life yung mga ka-grupo nina Phia. Haha. Walang permiso kasi yun. Sshh. Kaya papalitan na lang. :D Nga pala, PHIANA AGUSTIN ang whole name ni Phia ah! Nasa cast yan sa side. Huwag niyo pong kakalimutan yan!

6.

BEGINNING

Grabe naman kasi yung panaginip ko eh! Alam niyo yun? Parang totoo na, tapos hindi ko alam kung anong nararamdaman ko at dapat kong maramdaman? Ugh.

Kasalukuyag naglalakad si Phia papunta sa kanyang third class. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang sinasabing panaginip. Hindi nga siya nakausap ng maayos ni Venice kanina kahit na gustong-gusto na nitong malaman ang mga nangyari sa kanila ni Zach.

Naramdaman ni Phia na may nagtakip ng kanyang mata mula sa likod. Sa amoy pa lang ay kilalang-kilala niya na ito.

"Please Zach, wala ako sa mood." Tinanggal na rin ni Zach ang kanyang kamay.

"Good morning, Honey Bunch!" Asar ng binata. Halatang nasa good mood ito. Tiningnan naman ni Phia si Zach ng masama.

"Kailan pa naging honey bunch ang pangalan ko, ah?" 

"Uh-Ngayon lang?"

"Last time I checked, studyante ka dito at hindi pari kaya huwag mo akong bibigyan ng ibang pangalan." Nagpatuloy na rin si Phia sa paglalakad. Talagang hindi sumasabay ang kanyang mood sa mood ni Zach.

"Pag naging akin ka na ba, pwede na kitang pangalanan? Mas maganda siguro ang Phiana Agustin-Sanchez, diba?" Ngumiti naman ito ng nakakaloko.

Tumigil si Phia sa paglalakad. Kinikilig na naman siya, sa totoo lang. Pero muli, ayaw niya itong aminin sa binata. “Pwede ba Zach, wala ako sa mood. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin?”

Nilapitan naman siya ng binata. “Sus. Joke lang yun, Phia. Ano bang nangyari at naging ganyan ka? I mean, palagi ka namang mataray sa akin, pero sa akin lang. Eh ngayon, parang lahat tinatarayan mo na.”

Naisip ni Phia na baka iyon na ang panahon para tanungin niya si Zach tungkol sa nangyari kagabi. Kung nangyari nga ba talaga iyon. Gusto niya talagang maliwanagan.

 “Zach, pumunta ka ba sa bahay namin kagabi?” Hindi na napigilan ni Phia ang sarili.

Ha? Hindi nu. Nasa bahay ako buong gabi. Ba’t mo naman naitanong?” Nagtaka naman si Zach sa tanong ni Phia.

“Eh, nagpadala ka ba ng something sa bahay?”

 “Something? Wala naman.” Sagot niya. Alam ni Zach na totoo ang mga sinasabi niya. Walang halong biro. Tumango na lamang si Phia at naglakad na muli.

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon