C. Four

744 24 10
                                    

4.

GESTURES

Dalawang buwan na rin ang nakalipas magmula nung first day. Naging okay naman ang takbo ng buhay ni Phi. Maliban nga lang sa lumalaking awayan nila ni Carmina.  

I hate her. She hates me. Fair naman, diba?Ganoon ang ‘motto’ ng dalawa.

Sa totoo lang, nagagandahan naman talaga si Phia kay Carmina. Kaso nga lang, sa parehong pagkakataon, napapangitan din siya. Napapangitan siya sa ugaling pinapakita nito. Pero wala namang pakialam ang mga tao sa paligid niya. Gusto pa rin ng karamihan si Carmina. Sikat at makapangyarihan ito sa campus.

Pinapantasya ng mga lalaki at kinaiingitan ng mga babae.

"Phia, manood ka naman ng practice game namin mamaya para sa intrams, please?" pagmamakaawa ni Zach.

Kasalukuyang naglalakad si Phia papunta sa library kung saan hinihintay siya ni Venice. Gagawa kasi sila ng term paper. Bigla namang sumulpot si Zach sa tabi niya at nangungulit. Hindi naman ito pinapansin ni Phia dahil naiinis pa rin siya sa ginawa nitong pagnakaw ng halik sa kanya.

Isa pa yung nalaman niyang pinag-isahan nga talaga siya nina Venice at Zach para mahatid siya ng binata. Dahil doon ay naguluhan si Phia. Hindi niya malaman kung ano ba talaga ang gusto ng dalawa. Kaya sa loob ng dalawang buwan na iyon ay pinilit niya talagang iwasan si Zach. Awkward na kasi para sa kanya.

May gusto nga ba talaga sa akin si Zach? Ay, malabo. Walang gusto sa akin yun. Wala.

"Bahala ka na nga. Sabi nang hindi ako pwede eh. M-may gagawin kasi kami ni V-Venice."  Pagdadahilan ni Phia.

“Eh bakit pumayag na si Venice? Kung may gagawin kayo, edi sana sinabi niya na sa akin, diba?”

Dahil doon ay napatigil si Phia sa paglalakad. “Bakit ba si Venice palagi ang una mong tinatanong? Siya ba si Phia? Kung gusto ni Venice pumunta, edi siya na lang. Kasi ako, ayoko. A-yo-ko.”

Nagsimula na muling maglakad si Phia. Hindi pa siya nakakalayo ng magsalita muli si Zach. At ikinagulat talaga ni Phia sa sinabi nito.

“Nagseselos ka ba?” Tanong ni Zach.

Napalingon naman si Phia. “Ha?! Saan naman ng nanggaling yan?!”

“Eh kasi, nagalit ka dahil nga palagi kong unang tinatanong si Venice. Don’t worry, ikaw na ang una kong tatanungin at aayain palagi simula ngayon.Nakangiti nitong sabi sa kanya.

Naglakad si Phia pabalik sa binata. “Zach, hindi ganoon ang ibig kong sabihin, okay?! Ang gusto ko lang naman, pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa akin or yung mga bagay na kailangan ng desisyon ko, sana ako yung tatanungin mo. Hindi porke’t best friend ko si Venice ay siya na ang magdedecide para sa akin palagi, okay?!”

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon