10.
TOGETHER
Pinahid ni Phia ang kanyang mga luha. Wala naman siyang karapatang magalit dahil una sa lahat, hindi niya naman naranasan ang mga pinagdaan ni Zach.
Huminga si Phia ng malalim at ngumiti. “Tutulungan kita, Zach.”
Nanlaki naman ang mga mata ng binata.“T-talaga? Hindi ka ba galit sa akin? O-ok lang naman kung ayaw mo eh.”
“Gusto kitang tulungan.” Hindi pa rin nagsasalita si Zach at tila nasa ‘state of shock’ pa ito.
“Huy Zach, seryoso ako. Magkaibigan naman tayo eh. Best friends nga diba?”
“Sigurado ka ba talaga?”
“Oo nga. So, ano bang plano mo?”
“Pero—sigurado ka ba talaga? Kasi yung kanina---“
“Zach, kalimutan na natin ang nangyari. Hindi naman pwedeng magstay na lang tayo sa past. Uso move-on. Oo, nasaktan ako kanina. Magiging dakilang hypokrita ako kung hindi ko yun aaminin. Pero, hindi naman ako pwedeng magalit sayo kasi wala naman ako sa sitwasyon mo. At siguro, kung nasa sitwasyon mo man ako, malamang ay gagawin ko rin ang ginawa mo.” Nakangiting sabi ni Phia. Niyakap naman ni Zach ang dalaga.
“Salamat Phia. Salamat talaga ng sobra. Hindi ko nga alam kung bakit komportable ako sayo simula pa lang. Pero sa tingin ko, click lang talaga siguro tayo. Mabait ka kasi, ako naman, gwapo.” Sabi ni Zach sabay kindat pa nito.
Humalakhak sa tawa si Phia. “Tarantado ka talaga! Ano naman ang koneksyon nun? Hay nako, tama na nga tong dramahan natin! Ano nga kasi ang plano mo, Zach Sanchez?”
Napatahimik ang binata. Hindi nito alam ang sasabihin. “Hindi ko nga alam, Phia eh.”
“Ano?! May balak kang manligaw pero hindi mo naman pala alam kung anong gagawin?!”
“Eh kasi—f-first time kong m-manligaw.” Nahihiyang sabi ni Zach.
“T-talaga?” Mahinang tanong ni Phia. Napahanga naman siya sa ginawa ni Zach. Ibig sabihin ay totoo nga itong magmahal kay Kath.
“O-oo nga, sabi. Dalawang babae pa lang nga kasi ang minahal ko diba?”
Napaisip si Phia sa sinabi ni Zach. “Yun na ba yung first love mo?”
Tumango na lamang ang binata.
“A-ano bang nangyari dun?”
“Basta ako yung nang iwan sa kanyang noong mga panahon na iyon. May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya noon.” Mahinang sambit ni Zach. Hindi ito tumitingin sa kanya.
“Nasaan na si Girl ngayon?”
“Patay na siya.”
Nagulat si Phia sa sagot sa kanya ng binata kaya napalibutan sila ng katahimikan. Hindi marahil alam ng dalaga ang kanyang sasabihin. “S-sorry, Zach.”
Ramdam ng dalaga na huminga ng malalim si Zach. Binaling muli nito ang atensyon sa kanya at ngumiti. “Wala ka namang kasalanan eh. Tara na nga, manliligaw pa tayo.”
Ginulo pa nito ang buhok ni Phia at tumayo.
“Anong ‘tayo’?! Ikaw lang ang manliligaw, nu!”

BINABASA MO ANG
The Forgotten Memories
FanficSino ba talaga ang nakalimot? Sino naman ang nakalimutan? Teka, may nakalimot nga ba? Eh may nakalimutan ba?