C. One

2.1K 29 6
                                        

1.

ENCOUNTER

“Phia! Ma-lalate na tayo! Bilisan mo na!”

Narinig ni Phia ang sigaw na iyon mula sa labas ng bahay. Malamang si Venice na ang tumatawag sa kanya.

“Oo na, nandyan na!” Sigaw naman niya pabalik. Natatawa siya sa posibleng dahilan kung bakit gustong-gusto nang pumasok ng kanyang kaibigan.

Dumaan siya saglit sa kusina at nagpaalam sa kanyang Yaya Nora. Ang Kuya Paulo niya kasi ay nauna na. Halos araw-araw, siya ang huling lumalabas ng bahay. Buti na lang at sumasabay sa kanya si Venice.

Pagkalabas ni Phia ng bahay, pumasok na rin siya agad sa kotse. Nadatnan niya sa loob si Venice na nakasimangot.

“Oh? Problema mo?” Tanong ni Phia sa kanya.

“Ikaw. Ang tagal mo talaga eh, no? Geez. Tuloy, hindi ko na siya mauunahan.” Reklamo naman ni Venice.

At natawa naman muli si Phia. Saan ba naman kayo nakakakita na pinapagalitan ng sumasabay ang may-ari?

“Hoy ikaw, tigil-tigilan mo nga yang pagiging malandi mo! Ang assuming mo, alam mo yun? Parang papansinin ka rin nun.” Sabi ulit ni Phia sa kanya.

“Oo na, assuming na kung assuming. Tss. Kuya Tomas, alis na po tayo” Sagot naman ni Venice.

Wow. At siya pa talaga ang nagsabi nun! Haha. Naisip niya.

Sandaling oras lang ay narating na nila ang school na kanilang pinapasukan. Mga 20 minutes lang mula sa bahay nilang dalawa. Excited na excited namang bumaba si Venice at kumaripas sa pagtakbo.

 “Huy Venice! Anong trip mo, ha? Hintayin mo nga ako!” Humabol naman si Phia.

“Ano palang ginagawa ko? Diba huminto na nga?” Sagot niya.

“Ay hinde. Tumakbo.” Pangbara ni Phia.

“Buti alam mo” Sabay irap ni Venice.

 

Aba! Aba! Kung maka-irap tong babaeng to. Hay nako!

 

“Waaaah! Nandito na talaga tayo! Phia, dali! Ang daming gwapo!” Sabi ni Venice sabay tili. Natawa naman si Phia. Tumakbo ulit si Venice sa may mga hallway. Buti na lang at wala pang masyadong tao.

“Huy, ano ba? *hingal* tigilan mo na nga to. Tara na nga *hingal*” Nang maabutan ni Phia si Venice ay hinawakan niya na itong mainggi. Baka makawala pa eh.

“Hindi ko na kaya to, Phia!” reklamo ni Venice. Kitang-kita na pinapawisan na siya.

“Huh?! Anong pinagsasabi mo diyan? Dali na nga! Tsaka, ang aga-aga, pinagpapawisan ka na! Hala sige, takbo pa!” Hihilahin na sana siya ulit ni Phia pero tinanggal ni Venice ang pagkakahawak sa kanya nito.

“Naiihi na talaga ako, okay? Ang dami talagang gwapo, Phia! OMGEEE!”

Suko na talaga ako sa babaeng to, Promise. -___-

“Nice (pronounce as “niece”) naman, kailangan mo pa bang i-announce? At ginawa mo pang dahilan yung mga gwapo? Akala ko ba loyal ka ha?” Pagbibiro ni Phia sa kanya.

Naalala kasi ni Phia na sinabi ang crush na sinasabi ni Venice. Magiging loyal daw ito na para bang sila na. Kahit hindi naman alam ng crush niya na yun.

“L-loyal kaya ako!” nauutal na sabi ni Venice. “At tsaka, diba nga, kahit malikot man ang mga mata ko, iisa naman ang laman ng puso ko.”

EH?!! ANSAVEEEH?!!

“Hay nako! Ikaw ha, humaharurot ka na! tara na nga! Kaderder ka talaga!” Sabi ulit ni Phia.

“Eh naiihi na ako eh!” Reklamo ni Venice.

“Talaga lang ha! Ang dami mo nang sinabi tapos naiihi ka pa rin?”

“Sorry naman! Hindi pa gising diwa ko nu! Oh siya! Mauna ka na nga dun! Iihi muna ako!”

Umalis na rin si Venice. Napatingin si Phia sa kanyang relo at nataranta. Malapit na siyang ma-late sa opening program kaya binilisan niya ang kanyang takbo.

“Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!” Nagulat na lang si Phia sa babaeng sumigaw na mismong nakabangga sa kanya. Sigurado si Phia na yung babae ang nakabangga dahil tumitingin naman siya daan.

 Di na ba uso ang sorry dito? Grabe ah?

 “Teka lang Miss ah. Hindi naman kasi ako yung nakabangga. Bakit ka ba nagagalit ng ganyan? Ano bang problema mo, Miss?!” Sagot ni Phia.

“At ikaw pa ang may ganang maging matapang? What the heck?! Do you even know me?” Sigaw ulit sa kanya ng babae.

 Englishera pa ah? Tingnan lang natin.

Naalala kasi ni Phia ang turo sa kanya ng kapatid. Basta alam mong tama ka, dapat mong ipaglaban.

“Of course I know you. You're the girl who doesn't know how to admit her own mistakes. Yung sisihin pa yung iba para sa ginawa niya.”

Kinakailangan niya yun sabihin kahit labag sa loob niya. Prangka na kung prangka pero ganoon talaga siya. Hindi naman kasi nagiging ganoon si Phia kung alam niyang siya ang mali.

Mabait ako sa mabait sa akin. Masama din naman ako sa mga masama sa akin.

 “What the heck?!” Akmang sasabunutan na sana si Phia ng babae nang may biglang humarang sa gitna nila.

Stop it Mina. Tama na yan. We need to go.”  Hinila na ng lalaki angn babaeng iyon palayo. Sa palagay ni Phia ay boyfriend niya yun. Tinginan pa rin ang mga tao. 

 

 

“HOY! Nagfifishing ka nu?”

“AY! ANAK NG KABAYONG PALAKA!” Napatingin siya sa nagsasalita. Isang malaking death glare naman ang sumalubong sa kanya.

Kasalanan ko ba? Siya yung nanggulat eh!

“Grabe naman, Phia! Ano ako, animal? Hays. Ehem, nagfifishing ka nu?” tanong niya ulit.

Ha? Fishing?

“Ay! Venice naman! Hindi ako malandi katulad mo nu! Tara na nga! Malalate na tayo! Nagkakawrinkles ako sayo eh!” Sagot ni Phia.

“Wrinkles agad? Diba pwedeng pimples muna?”

“Oo, sa gusto kong wrinkles agad eh! Tara na nga! Nag-oppa gangnam style na yung palaka!”

“H-huh? Anong konek?” Tanong sa kanya ni Venice na natatawa.

“WALA! Kaya tara na!” Naiinis na sabi naman ni Phia sabay hinila na ang kaibigan.

Natatawa rin naman si Phia ng palihim. Ang totoo pala ay nabara lang siya kaya yun na lang ang nasagot niya sa kaibigan.

*

Natapos rin. Siguro pagnatapos ko na ma-edit lahat, tsaka na ako mag-uupdate. Pero feeling ko ang tagal pa nun. Kaya sige, try ko mag-update bukas or sa Monday.

Thank you! J

The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon