0912 XXX XXXX: Sorry
Oh-kay? Sigurado akong ang tinutukoy nya ay yung nangyari nung sports fest.
Ten: Okay
Wala 'kong maisip i-reply. Ipinatong ko na ang cellphone sa computer table at nagsimulang manood ng Crows Zero na isang Japanese movie. Past 10 pa lang at masyado pang maaga para matulog.
**********
0912 XXX XXXX: Ok. Bati n tayo ha :)
0912 XXX XXXX: Uy
0912 XXX XXXX: Tulog knb?
0912 XXX XXXX: Goodnight. See you tom
Apat na text messages mula kay Axl ang bumungad sa umaga ko na agad ko ding binura. Feeling close lang?
**********
Yes! Last subject na! Masaya 'ko ngayon dahil tulad ng inaasahan ko, konti lang kaming nakapagpasa kanina ng part project sa Software Engineering subject na itinext ni Lance kagabi, yung iba naman ay hindi pa tapos kaya hindi rin tinanggap ni sir. At masaya din ako dahil nakapagbasa ako ng manga kanina dahil umalis agad yung isa naming prof matapos magsermon dahil mabababa ang scores ng halos lahat sa pop quiz na naganap kanina at mas masaya pa 'ko dahil hindi ako kasama sa 'halos lahat' na 'yon kaya ang—
Napatingin ako sa tumabi sa'kin dito na nasa pinakadulong upuan na usually ay walang umuupo dahil masyado pang maraming vacant seat ang computer lab na 'to para sa block namin—si Axl. Feeling nya ba close na kami dahil sa nireplyan ko sya ng 'okay'? Masyado ka lang nag-iisip Ten, tinabihan ka lang sa upuan, wag kang assuming. Ibinalik ko na lang ang tingin sa computer monitor at nagsimula ulit magtype.
**********
0912 XXX XXXX: D mn lang namamansin knina
0912 XXX XXXX: Akala ko pa nman bati n tlga tayo
Eew! Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng mabasa ang text nya. Ano bang gusto nyang mangyari? Batiin ko sya at sabihing 'Haaay Akseeel~! Hellooo~!' Yuck! Pwe! Teka.. parang.. napanood ko na 'to e. Ang susunod nyang itatanong ay kung anong gagawin nya para masabing bati na kami or para maging close? I tap my computer table with my fingernails. Magpalibre kaya ako? Tama, magpapalibre ako ng kape dun sa malapit na coffee shop sa labas ng campus. Pero lumipas ang ilang minuto, oras at araw pero hindi nangyari ang inaasahan ko.
**********
"Ano ba ang sinabi ko kanina?"
"Morcilla and Mortiz," sagot ko sa tanong nya. Iyon ang mga surnames na binanggit nya kanina sa subject namin na magpartner sa isang project.
"Narinig mo naman pala."
"Pero ma'am, kaya ko naman pong gawin mag-isa yung project," giit ko. Napabuntong hininga sya bago ngumiti.
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.