Seven - Why? What?!

26 1 0
                                    


"Ten, gusto mo mamasyal─"

"Tristen, turuan mo nga 'ko sa docu namin, may pinapa-revise sakin." Hindi na naituloy ni Lance ang itatanong nya sa pagsabat ni Axl. Alam kong nananadya na si Axl at alam ko ring naiinis na si Lance. Halos isang linggo na syang ganito sa tuwing kausap o kasama ko si Lance. Hindi lang kay Lance kundi sa lahat ng lalaking lumalapit sakin kahit na school matters ang itatanong.


Kanina lang ay nakita namin si Chan sa canteen...

"Ten, lalaro ka?" Sasagot pa lang sana ako sa tanong ni Chan pero bigla na namang sumabat si Axl.

"Pass! Next time na lang─tara na," sabay hila ng sling bag ko na talagang pinaninindigan ang pagbabantay sakin o masasabi kong pangpepeste.

Dahil sa totoo lang ay nagsisimula na din akong mainis. Kaya nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan ko syang makita at nagtatago sa isa sa pinaka ayaw nyang lugar, ang library. Hindi ko din alam kung bakit kami naging close gayong extrovert sya at introvert ako, I really don't know.



Nag-vibrate ang phone ko at naka-receive ng text galing kay Jorie na nagtatanong kung nasan ako. Ita-type ko na sana nang maisip na... hindi kaya nagpapatanong sa kanya si Axl? Magrereply ba 'ko?

Habang nag-iisip kung dapat ba 'kong magreply ay nakita ko na si Jorie na nakatayo sa harapan ko.

"Sabi ko na nandito ka lang eh, kulang na lang tumira ka na ditotara kain tayo."



**********



"Ilang beses na 'ko nag-a-attempt na yayain ka magsolo kaya lang ang dami laging gusto sumama. Haha!" Bungad nya pagbaba pa lang namin ng jeep at naglalakad. Hindi ko napansin agad...

"Teka, depende sa pag-uusapan natin ang kakainin natin, tungkol san ba?" Tanong ko.

"Break na kami." ...na may problema pala sya.


Bumili lang ako ng dalawang tall size na chocolate frappe dahil ayaw ni Jorie ng ibang pagkain at hindi rin sya mahilig sa kape. Tama lang ang sweet dahil bitter ang pag-uusapan namin.

"Ilang taon na nga ulit kayong..."

"8 years." Hindi muntik kundi nasamid talaga 'ko sa sagot nya. "First year high school pa lang, kami na."

"Bakit..."

"Third party... May iba sya." Hindi ko alam ang dapat sabihin. Wala akong alam kung anong dapat gawin sa ganitong pagkakataon. Napabuntong hininga kami pareho. "Alam mo kung bakit ikaw ang gusto kong sabihan nito?" Bukod kay Fritz ay si Jorie ang pangalawang masasabi kong pinakamalapit kong kaibigang babae. Pero si Jorie, marami syang kaibigan na mas close nya kaysa sakin kaya bakit ako? 

"Alam ko hindi mo ko sisisihin. Actually, pagod na kong marinig sabihan na ang tanga ko. Na nagpaloko ako. Na halata namang nagchi-cheat sya pero hindi ako nagduda. Na naging cold na sya pero sinusuyo ko pa din... hindi naman ako naghihintay sabihin nilang okay lang 'to kasi hindi... hindi okay p-pero..."

"Jorie..."

"Nakakapagod lang... Alam mo ba nung nalaman ko yon? Nagso-sorry sya pero wala na kong naging reaksyon, ni hindi ako naiyak, kasi nakakapagod. Yun lang yung naramdaman ko n'on, pagod na 'ko..." Hindi nya na napigilan ang mga luha nya. Inabutan ko sya ng panyo. Sa totoo lang, nagdadala ako lagi ng panyo hindi para sakin kundi para sa taong makikita kong umiiyak. I guess that's my way of comforting them. Hindi ko talaga alam ang gagawin kaya niyakap ko na lang sya. Sana kahit papano gumaan ang pakiramdam nya. Sana.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon