Nine - ...one loves the sunset, when one is so sad.

26 1 0
                                    


"Life is like a cup of coffee,
no matter how much sugar you put in it,
there's always grounds at the end."


***


I was staring at the lake. Lake na naman. Napabuntong hininga na lang ako. Pero buti naman at sa ibang lugar na. At oo, marami talagang lawa dito sa probinsya namin.

"Ang ganda 'di ba?" Tukoy ni Iyou sa lawa na may kulay orange na papalubog na araw. Ang ganda, the lake and the sunset. I don't think 'beautiful' was enough but I can't find the right word.

"Yes, it was beautiful..." and yet so sad. Hindi ko alam kung bakit malungkot ang tingin ko sa mga lawa o sadyang malungkot lang ako.


Wala kami sa isang date ngayon ni Iyou, kung nagtataka kayo kung bakit kami magkasama. Kasalanan 'to ni Axl, inaya nya 'kong maggala ngayong wala kaming pasok tapos hindi sya sumipot dahil nag-e-lbm daw sya at nakita ko na lang si Iyou sa meeting place namin. Sinuggest kong umuwi na lang kami pero sinabi nyang sayang naman daw at ituloy na lang namin ang paggala. Okay naman syang kasama. Hindi ko talaga gustong lugar ang mga tulad ng mall kaya mas okay 'tong naging suggestion nya. Nag-rent kami ng tig-isang bike dito sa plaza at kumain ng street foods habang nakatanaw sa lawa.


Nilingon ko si Iyou dahil nakatingin sya sa'kin pero ibinalik nya din ang tingin sa papalubog na araw kaya ganon din ang ginawa ko. Now I understand that phrase, '...one loves the sunset, when one is so sad'.


"Pwede mo kong rebound."

Matagal nag-sink in sa utak ko ang sinabi nya. Tumingin ako sa kanya na naglalakad na palayo habang akay ang bike nya.

"Tara na! Gagabihin ka pauwi," yaya nya.


**********


"Tristen," tawag ni Axl. "Ako o si Lance?"
"Lance." Sagot ko kahit na hindi ko alam kung para sa'n ang tanong nya habang kumakain kami ngayon ng lunch sa canteen.
"Ako o si Iyou?"
"Iyou." Syempre sya pero gusto ko lang syang asarin.
"Kung papipiliin ka kay Iyou at Lance, sinong—"
"Lance." Mabilis kong sagot sa tanong nya.

"Masokista ka. 'Di ko na alam gagawin sayo." At saka ako biglang iniwan. Gago kumakain pa 'ko.

Pero seryoso, kung may magugustuhan at pipiliin man ako sa kanilang tatlo, it was Lance.


**********


"Uhm, Ten..." Rinig kong tawag ni Lance pero diretso pa rin sya sa pagbuklat ng libro.

"Hm?"

"Date tayo sa Monday."

Napatingin ako sa kanya pero diretso pa rin sya sa pagbabasa. Inilagay ko ang isang kamay ko sa librong binabasa nya para tumingin sya sa'kin. Tinaasan ko sya ng kilay sa sinabi nya, as in 'date'?!

"Hmm... gala?" Pagbabago nya sa term na 'date' at ngumiti. Suspicious smile. Pagkatapos nyang magsend ng relationship request sa facebook, magbigay ng bouquet of flowers, ngayon naman ay date? Pwede na ba 'kong mag-assume, I mean maghinala kay Lance? Gusto nya ba 'ko?

"Theme park?" Nakakapaghinala talaga. Ganito yung mga nababasa ko e, pupunta sa theme park tapos doon or sa ferris wheel magtatapat. Tsk tsk, nako Lance ayoko ng cliché na love story, pwede ibahin mo naman?

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon