Eight - coffee or ice cream?

26 1 0
                                    


"Thank you sa paglibre!" Sigaw ni Jorie at kumaway habang papunta sa school building.

"Paglibre?" Tanong ni Fritz. Nakatambay kami ngayon sa isa sa mga kainan dito sa loob ng campus.
"Quiet," saway ko sa kanya.
"Library lang? Tss, kakasama mo yan kay Lance... so bakit nga? Break na sila?"
"Hindi ah," sgad kong sagot sa kanya. Sorry, Jorie.
"Tristen alam mo bang may dalawang bagay akong alam sayo?" Napabuntong hininga na lang ako. "Una, nanlilibre ka lang ng taong broken, pangalawa, hindi ka magaling magsinungaling."
"Oo na kaya wag ka ng maingay."
"Sad." Napatingin ako sa kanya? Sad? Yun lang?

"Bakit? Di naman kami close. You know, my friends' friends are not my friends." Okay. Tumango na lang ako sa sinabi nya. "Oh, ayun na ang magaling kong boyfriend." At akmang tatayo na paalis. "Friend, nga pala ang haba ng hair mo ngayon."
"Ha?"
"Hindi nga lang sya ganon kagwapo gaya ng ex mo pero... pwede na, mabait naman yon─anyway, dyan ka na, babye!" Suspicious laugh. Hindi naman ako slow para hindi ma-gets.

"Gwapo naman si Lance ah." Napangiti ako with that thinking. Shit! Ano bang iniisip ko?! Kaka-break lang namin ni Kion. I brushed off that thought. Bibigay ka na ba agad, Ten, sa isang bouquet? NO.

**********


Axl: Sama k samin nyt swimming

Ten: Bakit ano meron?

Sagot ko sa chat ni Axl na hindi ko alam kung patanong o nag-uutos.

Axl: Bday ng tropa
Ten: May kasamang babae?
Axl: Meron

Tropa? Isa sa mga kaibigan namin sa computer shop kakalaro ng Dota.

Ten: Hndi ako papayagan
Axl: Dating gawe?? Hehe

Fourth year college na ko pero dito ko naisipang gawin ang mga bagay na hindi ko karaniwang ginagawa, umattend ng party, sumama sa mga classmates ko maggala, umuwi ng late, basta yung masasayang pwedeng gawin habang estudyante. Kasi pagka-graduate namin, wala na. Alam kong di ko na 'to magagawa.



First time. First time ko yatang magsinungaling sa mga magulang ko lalo na sa lola ko na mag-o-overnight kaming magkakaklase sa isang bahay ng classmate namin para sa thesis. (Tip: Pinakamabisang dahilan.) Pero heto ako ngayon, kumakain ng cup noodles sa balcony ng computer shop hindi para gumawa ng capstone project namin kundi para maglaro ng dota magdamag. Nagsinungaling ako, una, dahil kay Axl na bad influence na nakaisip nito at pangalawa, alam kong kahit anong gawin ko hindi ako papayagan na mag-overnight sa isang com shop para lang maglaro. Never magiging valid yon. Take note, na may puro lalaking kaibigan. Hindi ko din alam kung ano ang iisipin ng iba 'pag nakita akong ganito. Hindi ako pasaway, sadyang gusto ko lang ma-experience yung mga ganitong bagay. Sa tingin ko kasi kapag nagtatrabaho na 'ko, hindi ko na 'to magagawa. Tsaka siguradong hindi na sila ang mga kasama ko pag nagkataon.

Sinagot ko na lang sya ng, "susubukan ko". Oo, susubukan ko ulit maatim ang magsinungaling.

**********


"Ang sabi mo may kasamang babae," bulong ko kay Axl habang nakasakay kami sa sasakyan papunta sa resort.

"Babae naman sya ah?" Napatingin ako saglit sa girlfriend ng tropa naming may birthday.

"Alam ko gago." Natawa sya dahil hindi ko maisigaw na gago talaga sya. "Di mo sinabing dalawa lang kami."

"Kung sinabi ko, hindi ka sasama." Wala na 'kong nagawa. "Okay lang yan, magaling ka naman makisama." Hindi 'yon ang problema Axl, paano na lang 'pag may makakitang iba sakin, ano na lang iisipin? Kahit anong gawin ko, lalaki pa rin sila, kayo... paano kung

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon