Three - sunrise

8 1 1
                                    


"I gave up coffee.

It's almost worse

than giving up a lover."


***


"Ah, yeah, architects are cool." I chuckled.

"Bakit?" Napatingin ako kay Iyou nang magtanong sya after he mentioned about his crush na kumukuha ng architecture na program.

I don't think talking about his crush is a good idea. I mean why?! Unless he's testing or teasing me. Is he trying to make a conversation or is he making me jealous? Don't. I'm not a good actor. Like I can pretend na wala akong pake sa isang tao kahit na gaano ko pa sya kagusto kaysa umarte na nagseselos ako kahit na hindi naman.

"Iyou—"

"Okay lang... okay lang yan." Hindi ko alam kung nabasa nya ang nasa isip kong, 'this will not gonna work'. Napabuntong hininga na lang ako at uminom ng kape.


**********


2 weeks after our graduation day naka-received ako ng chat galing kay Axl. Himala at naalala nya 'ko ngayon.

Axl: Ta kape


Kahit na nakakatulog naman ako agad matapos magkape sa kahit na anong oras ay pinagbawalan pa rin ako doktor dahil baka daw makaapekto ang caffeine sa pagtulog ko. Kailangan ko kasing i-monitor kung magkaka-headache or migraine ako matapos ang enggrande kong pagkahulog sa hagdan. Pinagbawalan akong magpuyat at kailangang 8 hours every night ang tulog ko. Buti na lang at pwede akong magkape kahit na isang beses lang sa isang araw. Sa umaga. Hindi ko yata kayang i-give up ang kape. No, not in this lifetime.

Ten: Samahan kita habang nagkakape ka

Reply ko kay Axl. Tsaka ko sinundan ng pangungumusta. Ang totoo, wala akong maisip na topic para pag-usapan.

Axl: Okay lang

Tapos. Tapos tayo dyan. End of conversation. Ano pa bang pwedeng isagot sa 'okay lang'? The end. Wala talaga 'kong maisip, buti na lang at nag-chat ulit sya...


Axl: Magkwento ka

Ten: Tungkol san?

Axl: Kahit ano

Here we go again. Kapag wala kaming mapag-usapan sasabihin nyang magkwento ako, kahit ano, fantasy, horror, experience ko o kahit na anong maisip ko kahit pa walang kwenta. Makikinig lang sya, hanggang sa di namin namamalayang matagal na kaming nagpapalitan ng ideya, kalokohan, komento at nag-uusap. At ganon na nga ang nangyari.

At matapos ang mahabang kwentuhan, nauwi rin kami sa 'gala tayo bukas'.


**********


Nagkita kami kinabukasan ng madaling araw para manood ng sunrise tulad ng gusto nya. Kahit na sunset-person ako ay sinamahan ko pa rin sya. Halos alas kwatro ng umaga ako bumangon at nag-byahe para sa gusto nyang manood ng sunrise sa isang botanical garden. Kung alam nya lang kung gaano ako kahirap bumangon ng madaling araw.

Kumain kami ng lugaw at hotdog sandwich bilang agahan sa isang convenience store sa loob ng botanical garden at ang pinakamasarap sa lahat, nagkape sa isa sa mga benches doon habang napapaligiran ng mga puno, halaman, bulaklak at mga humuhuning ibon sa umaga. Ang sarap ding pagmasdan ng sikat ng araw na bahagyang natatabunan ng mga dahon ng malalaking puno. Ang relaxing.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon