"Aksel!" Sigaw ko nang matanaw syang naglalakad paalis. Napatambay kami ni Lance sa canteen, nilibre nya kasi ako. Hindi tuloy namin namalayan na nag-announce pala na wala yung Prof namin sa last subject kaya pwede ng umuwi. Tatawagin ko sana sya ulit pero lumingon na sya kaya tumakbo na ko para makalapit dahil hindi naman sya tumigil sa paglalakad.
"Bakit ba?" Tanong nya na halatang inis.
"E ang bilis mo kaya maglakad..." Hindi kita maaabutan.
"Bakit ka ba sasabay?"
"Sabay naman talaga tayo umuuwi ah." Parang tanga lang, may mens ba 'to? Para kaming mga batang nag-aaway, buti na lang wala ng masyadong estudyante. Sya ang lagi kong kasabay dahil sya lang ang kapareho ko ng way pauwi.
"Tss. Pasalamat ka may naalala ako kundi tatakbuhan kita."
"Galit ka ba?" Ang laki nyang humakbang kaya nilakihan ko rin yung hakbang ko dahil kung hindi, maiiwan ako. Medyo malayo pa naman yung lalakarin mula dito sa campus hanggang sa sakayan ng jeep pauwi. Pwede namang sumakay ng tricycle kaya lang nasanay kami na naglalakad kung pauwi na, tsaka sayang pamasahe.
"Hindi," tipid nyang sagot.
"We?"
"Hindi nga."
"Sa'kin ka ba galit?"
"Ang kulit mo!" Sabay harap nya sa'kin. Muntik pa tuloy akong mabunggo sa kanya.
"Isang tanong pa, tatakbuhan kita!" Tumalikod na sya at nagsimula ulit maglakad.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Lance kanina. Ayokong maniwala pero...
"Tss. Tara na nga..." Ang arte. Inunahan ko sya paglalakad. S'ya naman ang napatigil kaya lumingon ako sa kanya.
"...magkakape tayo" Tsaka ko sya nginitian. Hah! Tatanggi pa sana sya pero hinila ko na sya paglakad. Axl? Equals maarte.
**********
"Ang bagal mo kahit kelan." Sabay lapag ng basong naubos nya ng French vanilla. Wow bottoms up!
"Ayaw nya daw magkape pero nauna pa sya makaubos," sabi ko ng mahina pero yung saktong maririnig nya.
"Pasalamat ka—"
"Salamat po." At kunwaring yumuko sa hari.
"Very good." Sabay pat nya pa sa ulo ko.
"Tss, sa susunod nga 'wag ka ng basta magagalit—"
"E pa'no mo naman nalaman na hindi kita pinapansin kasi tinanggihan mo ko magkape kaninang umaga?"
"Lance."
"Ang daldal talaga non. Bakla siguro yon—"
"Tss, so totoo nga? Dahil lang sa tinanggihan kitang sabayan magkape kanina, nagalit ka sa'kin?" Nakatingin lang sya ng diretso sa labas ng convenient store na may transparent glass walls. Silence means yes. Grabe, para 'yon lang. Napabuntong hininga na lang ako. "Ano nga pala yung naalala mo kanina? Ang sabi mo kasi 'pasalamat ka may naalala ko kun—'"
"'Wag mong gayahin boses ko, di bagay sayo. Wala 'yon, yung sports fest nung 3rd year tayo..." Eh? Sports fest?
"...nung naging player ka."
4th day na ng Sports Fest—limang araw ginaganap ang Sports Fest. Pumunta 'ko dito sa school kahit na hindi naman ako player sa kahit anong sports. Wala akong sports. Le sings shame on me~ Pero mas gusto ko ng manood na lang ng kahit ano dito sa school, kahit na wala akong kasama. Usually kasi 'pag ganitong patapos na ang sports fest, hindi na umaattend yung mga kulugo kong blockmates at yung iba naman first at last day lang pumupunta. O di ba ang galing? Pero mas gusto ko na dito ngayon kaysa sa bahay para bungangaan lang ng nanay ko ng paulit ulit dahil sa back subject ko. Haay kung hindi kasi naglahong parang bula yung partner ko sa subject na 'yon edi sana.. Pero ayoko namang isisi sa partner kong bubbles ang lahat dahil alam kong may mali din ako. Yup! May back subject ako at tine-take ko ngayong 1stsem ng 3rd year. Buti pa yong tatay ko, ang sabi nya, 'Ano ka ba anak, failing is a part of growing up! And it's part of college life!' Great, right? Hindi ko nga lang alam kung sinong pilosopo ang nagsabi non o kung san nya napulot 'yon. At hindi din English ang pagkakasabi nya pero sounds like that.
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.