There are two things in life
that keep me motivated,a cup of coffee
and
a second cup of coffee.─Craig Benzine
***
I was slapped.. not once but twice. Ang sakit. Ang sakit ng mga pisngi ko. Pakiramdam ko muntik pang mabingi ang isang tenga ko sa lakas ng sampal nya.
"Ano? Anong sasabihin mo sa kanya ngayon? Na gusto mo na sya? Akala mo hindi ko nababasa ang conversation nyo? Na magkikita ngayon at may gusto kang sabihin sa kanya?" Napayuko ako. Teka lang...
Gusto kong sabihin kay Axl?
"Malandi ka." Tumulo agad ang mga luha ko.
Sorry... teka hindi ba dapat sya yung mag-sorry? Sandali lang, ako ba ang may mali?
"Bakit kayo magkikita ngayon?!" Axl...
Sasabihin ko ba sa kanya ang gusto kong sabihin sana kay Axl ngayon?
Pero hindi magawang magsalita ng bibig ko. Para kong na-estatwa sa mga nangyayari. Ano nga bang mga sasabihin ko kay Axl?
Na... sorry Axl, dahil nakikita ko sayo si Kion noon at hindi bilang ikaw, sorry. Sorry kung ginawa kitang reserbang kaibigan. Pero hindi na ngayon...
At thank you nga pala... Salamat kahit na hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ang pag-abot mo sakin ng panyo mo noon.
"Akala ko ba may sasabihin ka sa kanya? Sabihin mo sakin ngayong malandi ka!" Tsaka nya tinulak ang isang balikat ko.
At ako naman yung magtatanong sayo ngayon kung pwede ba kitang maging kaibigan, bilang ikaw. Kahit pa sabihin mo ding weird ka.
"Akala mo dahil nag-aaway kami, magiging kayo na?"
At sorry nga pala na hindi kita matawag na 'lalabs' sa personal kasi magagalit si Kion.
"Hindi ko alam na ganito ka pala, Ten."
And thank you for being the best of friends when times that I need one.
Hindi ko man aminin pero sya yung nandyan nung mga panahong wala akong kaibigan. Sya yung nandyan para suportahan ako kahit na ang tingin sakin ng marami ay weird. I-cheer kahit na madalas akong loser. Alam kong pure friendship ang kung ano man ang meron samin ni Axl. Pero mukhang hindi yata kami pwedeng maging best friends forever. Wala yata talagang forever.
Hindi man kayang palitan ng pagiging magkaibigan namin ni Axl ang nararamdaman ko para kay Kion, gusto ko pa ring mag-thank you sa kanya. Pero kahit ito yata, hindi pwede.
Axl, thank you for being my best friend when times I don't have one.
Pakiramdam ko ay makakatanggap pa ulit ako ng sampal galing kay Liezl kung hindi pa 'ko aalis, tumalikod na ko sa kanya, wala akong gustong sabihin sa kanya. Unti-unti akong naglakad palayo at tumakbo hanggang makalabas ng resort, ayokong makitang ganito ng mga kaklase ko, ni hindi ko alam ang sasabihin o gagawin. Hindi ko napansing hindi pantay ang daan at may isang hagdan pataas kaya nadapa ako. Hinayaan kong sumalampak ang sarili ko sa malamig na semento, hinayaan ko lang magdugo ang tuhod ko na dulot ng pagkakadapa ko. Masakit. Hinayaan ko lang maramdaman lahat ng sakit. Bakit ganon, parang ang malas ko sa kaibigan? Bakit lagi na lang akong naiiwan sa ere ng itinuturing kong best friend?
Natulala ako sa sahig na unti-unting binasa ng ulan.
"Miss? Okay ka lang?" Napatingala ako para makita ang lalaking nagsalita at nakita ko syang nakatayo sa harapan ko at sinisilungan kami ng dala nyang payong. Ilang segundo lang ay may biglang tumigil na lalaking nakamotor malapit sa'min, tinanggal nya ang helmet nya at lumapit sa'kin na parang walang pakialam kung nababasa sya ng ulan.
"Tumayo ka nga dyan!" Hinawakan nya 'ko sa braso. "Let's go" Pag-aya nya habang nakatingin sa mga mata ko. Pero bago pa man ako makatayo "Tristen!" Nabuhayan ako ng loob ng marinig ang pagtawag na 'yon. Kilala ko ang boses na 'yon—Axl. Lumingon ako sa likuran ko at nakita syang tumatakbo sa ulanan palapit sa'kin. Parang unti-unting bumabagal ang paggalaw ng mundo. Naramdaman ko ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagpatak kasabay ng pagbalik ng ulirat ko sa reyalidad.
Tumingala ako para makita ang lalaking sana'y magtatanong kung ayos lang ako, pero... wala. I hate fairy tales, hindi totoo ang mga prince charming. Ilang minuto na pero walang dumating na malagangster na magsisilbing knight in shining armor ko. Wala. Lumingon ako sa likuran ko kung saan nandyan sana si best friend na magsisilbing shoulders to cry on. Pero... wala.
Tumingin ako sa langit na puno ng mga bituin... "Nasan na?" Nasaan na yung ulan na laging nandyan sa mga cliché na scene na pwedeng magtago ng mga luha ko? Gasgas! Oo, gasgas sa tuhod lang ang inabot ko. Pinilit kong tumayo. Ito yung reality, yung masakit na katotohanang ako lang ang magtatayo sa sarili ko. Yung katotohanang kapag nadapa ka, kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa... dahil hindi ka tutulungan ng mundo, hindi ka itatayo nito. Dahil ang totoo, walang paki sayo ang mundo.
Nakasakay agad ako ng bus at good thing kaunti lang ang sakay dahil—tumunog ang wrist watch ko. 01:00 AM na. Nakaset nga pala 'to means dapat na 'kong matulog dahil ala una na. O baka ito na yung oras na dapat magising na 'ko? Pakiramdam ko ay pinagtitripan ako ng mundo. I was running away before at 10:00 pm, and now running away again, at 01:00 am, huh! Hindi man kasing sakit ng breakup namin ni Kion pero hindi ko pa rin napigilan ang mga luha ko. Kasi, bakit? Wala ba 'kong karapatang magkaron ng best friend? Totoo ba yung sinasabi nila na hindi pwedeng maging best friends ang isang babae at lalaki?
"Miss?" Agad kong pinunasan ang pisngi ko at tumingin kay kuya na tumawag sa'kin na nakatayo sa gilid ko. Aabutan nya ba 'ko ng panyo? "San ka?" Tanong nya. Panira ng moment. Hindi pa pala 'ko nagbabayad. Nakakahiya kaya nagbayad na 'ko. Baka akalain pa ni kuya, broken ako. Bakit? Hindi nga ba?
Biglang tumugtog sa speaker ng bus yung Fool Again ng Westlife. Napatingin ako kay kuya konduktor na tumango pa sa'kin. Gago ka kuya! Ito yung reyalidad, nakakagago.
***
Nagulat ako nang pagbaba ng bus ay nakita ko si Iyou. Naghihintay. Nasabi ko sa kanyang pauwi na 'ko ng bahay nang magtext syang matutulog na sya habang nasa bus ako kanina.
"Ano... madaling araw na kasi..." Napahawak sya sa batok nya na parang nahihiya at hindi maipaliwanag kung bakit sya nandito. "Baka kasi mapano—"
"I'll make this work." I don't wanna waste his effort.
"Tristen," he called me like I have the most beautiful name in the world, and then he smiled before taking his steps closer. I'll have to make this work. And I took steps closer to him.
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.