"I like my coffee with cream and
my literature with optimism"─Abigail Reynolds
***
"Uuwi na 'ko."
"Grabe! 8 sharp talaga!" Sabi ni Angelica nang saktong pagpatak ng alas otso ay nagpaalam akong uuwi na, na ikinatawa ng mga kaklase ko.
"Halika na nga, hahatid na kita. Babalik na lang ako dito." Hindi ako tumanggi sa alok ni Axl na ihatid dahil una, takot akong maglakad mag-isa lalo pa't gabi na. Feeling ko dahil maliit ako ay mabilis akong makukuha ng mga kidnapper na may puting van. At pangalawa ay hindi ko alam ang daan pauwi kahit na malapit lang 'tong bahay nila Lance sa school namin. Hindi talaga ako matandain sa mga lugar.
At oo, bahay nila Lance dahil nagkayayaan ng inuman. As usual. Konting katuwaan lang daw dahil nakapasa na kami sa thesis, tapos na ang retreat, kasama sa list of graduating students, bayad na sa graduation fee at kanina lang ay graduation pictorial. Konti na lang daw ay malapit na kami sa ending ng college life. Ayokong sumama pero pinilit nila 'ko kahit na hanggang 8 PM lang habang sila ay mag-o-overnight dito. At 'wag daw akong maging KJ hanggang sa dulo ng buhay kolehiyo.
"Kelan mo pa nalaman na..."
"Si Lance?" Na bi si Lance. Bakit hindi nya maitanong ng diretso? "Ah, nung namasyal kami kelan lang." Naging memorable tuloy ang date─este pamamasyal na 'yon. Sagot ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"Sayo sya unang nagsabi sa'ting magkakaibigan."
"Sayo kaya." Alam kong alam nya na bago pa magtapat sakin si Lance. Kaya sa tuwing magiging 'sweet' sa'kin si Lance eh para syang tigreng handang umatake.
"Hindi ah, kinompronta ko sya kaya ko unang nalaman pero ikaw ang una nyang sinabihan. Importante ka sa kanya, sa lahat sa'tin, ikaw ang pinakaayaw nyang mawala. Magbati na kayo."
"Hindi naman kami magkaaway."
"Eh─"
"Hindi rin ako galit. Hindi naman nagbago yung tingin ko sa kanya... tho hindi na 'ko kinikilig sa kanya." Medyo natawa kami sa sinabi ko. Dahil totoo naman. "Medyo nahihiya lang ako dahil assumera ako─akala ko may gusto sya sakin."
"Okay lang yan, makakalimutan nya din yon."
"So, hinahatid mo lang ako ngayon dahil gusto mong magbati kami dahil akala mo galit ako sa kanya? Ganyan, mas love mo na ngayon si Lance kesa sakin," pagbibiro ko na ikinatawa nya.
"Hindi ah. Kasi mamimiss kitang ihatid."
Natahimik ako. Naguluhan ako sa sinabi nya.
"Hindi na kita maihahatid kapag may Iyou ka na," sabay para nya ng jeep na masasakyan ko pauwi. Hindi na 'ko nakapagtanong at sumakay na ng jeep.
**********
"Ano... Axl, 'di ako makakasama sa inyo mamaya paglalaro."
"Bakit? Sayang may dayo pa naman." Sasabihin ko ba? Pero 'pag sinabi ko, malamang...
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.