Ten - Friend, friends, best friend

21 1 0
                                    


"Life is like a cup of coffee,
it's all in how you
make it or
take it."


***


"Mukha kang lutang nitong mga nakaraang araw. May problema ka ba?" Tanong ni Axl.
"Ha?"
"Meron nga." Bigla nya kong hinawakan sa noo.


Hinawakan nya ang noo ko...


"Pero wala ka namang sakit."


"May sakit ka ba?" Sinamaan ko sya ng tingin kaya lalo syang natawa.
"Bakit? Pag sweet, may sakit agad?"
"So, sweet ka na sa tingin mo nyan?"
"Tss," tsaka ko sya sinuntok sa dibdib.
"I love—"


Biglaan kong nahawi ang kamay ni Axl na nasa noo ko. Kita ang gulat sa mukha nya na napalitan ng pag-aalala nang kusutin ko ang mga mata kong maiiyak na.

"May masakit ba sayo?"

"Uuwi na 'ko." Ang naging sagot ko sa tanong nya. Ang bigat ng pakiramdam ng mga mata ko at gusto ko na lang matulog.

"Halika ihahatid kita."

"Ayoko," maikli kong giit sa kanya at hindi naman sya nagpumilit pa. Ayoko sa kahit na sino ngayon... lalo na sa kanya. Bakit kami naging ganito kalapit sa isa't-isa? Oo. Sigurado na 'ko. Nakikita ko s'ya sa kanya.


Naglakad na 'ko palayo, palabas ng campus, tsaka ko naisip lahat mula umpisa...


"Ah!" He snaps his fingers at tumingin sa'kin.
"Saglit lang ah, wag kang aalis." Why? "Intayin mo 'ko." Tsaka sya tuluyang umalis. San sya pupunta? Nakatingin lang ako sa kanya na nakatalikod, naglalakad at nakapamulsa ang kanang kamay.


"...mabilis lang ako."
"Dito ka lang, wag kang aalis!"


I blinked my eyes. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Kion. I don't know, dahil ba sa kanya? Umupo muna ako at naghintay ng ilang minuto bago sya makabalik. Inabutan nya 'ko ng canned coffee. Bribe? Sana yung de straw na lang, nahihirapan kasi akong magbukas ng mga ganito, masakit sa kuko. Nakatingin sya sa'kin kaya pinilit kong buksan pero.. bigla nyang kinuha at binuksan ang canned coffee na binigay nya at inabot ulit sa'kin. He slightly bumped his canned coffee with mine. A cheers?

"Partners?" He asked while looking at me and as usual wearing his smile.

Like what I've said earlier, wala namang masama kung maging partner ko sya..

"Partners." I just won't let my guard down... again.


"Partners?"
"Partners."
"...in crime."
Kion and I were used to be partners in crime, since we were childhood best friends.


Napangiti ako. Bigla syang lumingon sa likuran nya kaya napatingin din ako, wala namang tao. Napakunot ang noo ko, may nakikita ba syang di ko nakikita o... duling ba 'ko?

"Sinisigurado ko lang na sa'kin ka ngumiti."

This is so familiar. And I hate it. I hate it to the point that it's hard to admit.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon