Eight - right minus wrong

20 1 0
                                    


"Sometimes,
by concentrating only on the cup,
we fail to enjoy the coffee."



***


Bukod sa cheerdance competition at basketball game na highlights ng Sports Fest week ay may mga gusto pa rin naman akong events sa school kahit na hindi ako sporty o party-goer, hindi naman ako puro aral lang at palaging kj. Alam kong kailangan ko din mag-enjoy sa buhay. Masaya namang manood ng mga events. Nakakapagod pero masaya.


"Congrats, Ate Ten!" Sigaw ng isang estudyante na ka-department ko na tingin ko ay mga sophomores.
"Congrats po!" Sigaw ng isa pa habang patuloy lang sila sa paglakad at napadaan lang dito sa may fish pond ng campus kung san ako nakatambay.


"Wow, may fans ka na," comment ni Axl na tumabi sakin at nag-abot ng coke.
"Gagu."
"Nagtataka na 'ko, matalino ka naman ba't di mo lagi ginagalingan? Kaya mo naman maging dean's lister." Natawa ako sa tanong nya dahil siguro 1st runner up lang naman ang team namin sa quiz bee competition.

At oo isa sa mga gusto kong parte ng Foundation Week ay quiz bee competition at food stalls. Dagsa ang bilihan ng pagkain sa campus tuwing foundation week.

"Kaya kong galingan 'pag gusto kong galingan."

"Yabang!" Tsaka inabot ang biniling siomai na may maraming toyo at chili oil. Sarap.


*****


"Nasan ticket mo?" Tanong ko kay Axl matapos naming kumain.

"Wala na." Napatigil ako at napalingon sa kanya dahil balak kong nakawin ang ticket nya. "S'an mo ginamit?"

"Marriage booth, nahuli ako eh." Kung ayaw mo ikasal, magbayad ka ng ticket. That's the rule. Simple lang. Yung mga taga-marriage booth talaga para-paraan, nanghuhuli ng mga in a relationship na para makarami ng ticket.

"Ikaw? Ticket mo?"

"Nasa bag."

"Hall of arts?"

"Hm," sabay ng pagtango ko.

"Grabe walang palya, simula yata 1st year dun mo lang ginagamit ticket mo."

Napangiti ako. Every foundation week pinakapaborito kong booth ang 'hall of arts'. Isang room na 'pag pumasok ka ay para kang nasa art exhibit—mga paintings ng students, faculty pero madalas ay from anonymous.

"Tara, I have extra ticket. Sama ka sa'kin sa hall of arts."

"Tara—teka, diba magaling ka magdrawing? May entry ka don 'no? Dati ayaw mo kong kasama d'on, ngayon niyayaya mo 'ko."

"Dami mong sinasabi."

"Ipagyayabang mo painting mo 'no?"

Natatawa na lang ako sa mga sinasabi nya.


"Biribiri," sabi ng mga alien na biglang humawak sa mga braso namin ni Axl.
"Biribiri," sagot ko naman habang nagpipigil ng tawa. That's the password.

Ang totoo ay habang papunta sa art booth kanina ay nahuli ako ng mga taga-jail booth na naka-alien costumes. Ayokong ibigay ang ticket ko kaya dinala nila ako sa spaceship nila. May mga puzzles at riddles sa loob ng UFO jail nila para mabasa ang mga rules. At para makalabas ng jail ay pwede mong ibayad ang ticket mo. Pwede mo rin 'tong mabawi kung sa loob ng dalawang oras ay makakapagdala ka ng kapalit mo na pwede nilang gawing bihag. At marami pang pwedeng kondisyon pero sa tingin ko ay ito ang pinakamadali.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon