Three - in 1 coffee

47 5 6
                                    


Hindi na 'ko nag-abalang habulin pa si Mac dahil hindi ko na din naman sya maaabutan. Ang sabi nya ay lalaking version ko 'yon, ganon ba 'ko ka-rude? Naglakad na 'ko palabas ng hall at saka sinimulang inumin ang hawak kong frappe. At dahil latte ang flavor nito, sigurado akong si Mac ang nagbigay nito. He knows that latte is my favourite.

"Ano ba Lance! Para kang 'di lalaki!" Sigaw ni Fritz sa loob ng van. Sumilip ako sa loob ng van at nakitang nag-aagawan sila sa pwesto sa upuan. "Ayoko don sa kabilang van, boring. Palit na tayo Lance, boring ka naman e!" Na sinabayan nya pa ng malakas na tawa. Walang nagawa si Lance kundi lumipat sa kabilang van. Kawawang Lance.

"Shit!" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang na-flat yung ibang part ng bouquet ng sakura origami flowers na dala ni Mac kanina na inilapag ko sa pwesto ko sa loob ng van.

"Ay sorry naupuan ko pala." Habang umaayos si Fritz sa kanyang pagkakaupo na sinagot ko ng hampas ng bouquet sa balikat nya. "Aray ko naman Ten, sorry na nga e." As if namang sincere ang pagso-sorry nya.

Pag-andar pa lang ng sasakyan ay ipinikit ko na ang mga mata ko habang nakasandal sa upuan para walang magtangkang kumausap sa'kin, wala ako sa mood magsalita. Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi. "Uy, bababa na 'ko." Tumingin ako kay Axl na gumising sa'kin at saka ko lang narealize na nakatulog ako habang nakasandal sa balikat nya. Patay malisya akong sumandal sa balikat ni Fritz na katabi ko din.


**********


Cool-off. The gray part in a relationship. Parang break na kayo pero hindi official. Parang kayo pa na parang hindi na. Magulo. Malabo. Bakit nya pa 'ko pinadalhan ng bulaklak? Bakit kung kelan—argh kahit kailan talaga ang labo nya! But my shitty heart wins over my mind kaya after ko makauwi, kahit pagod sa conference at sa byahe, hindi ko pinalampas na i-text s'ya para magpasalamat sa flowers. Pinadala nya pa talaga kay Mac. Ayoko mang aminin pero napangiti ako. Masaya ako. Kahit cool-off kami.


October 1, 2014

11:11 pm

Ten: Hey Kion, salamat sa flowers.

Hmm... Malamang tulog na s'ya.

11:27 pm

Ten: Alki. Goodnight


**********


Buti na lang at walang pasok ngayon dahil feeling ko pagod pa rin ako dahil sa conference at byahe kahapon. Pagbangon ko ay kape agad ang inatupag ko. Naupo sa harap ng study table sa kwarto ko at saka kinuha ang phone.

Una kong tiningnan kung may text or chat sa'kin si Kion pero... wala. Sabi ko nga cool-off kami. In-open ko ang nagpop up na chat ni Axl.

Axl: Ta kape :)

Ten: Ta

Tho nagkakape naman na talaga ako kaya lang baka magtampo na naman sya.

Axl: La sa mood?

'Di ko na sya nireplyan. Siguro nga wala ako sa mood dahil nag-eexpect ako ng kahit na isang text message galing sa boyfr—I mean kay Kion. Anyway, after 5 minutes ay nagsend ako ng picture kay Axl na nagkakape ako. Di ko sya matiis 'di replyan, baka magdrama pa 'to na lagi ko na lang syang sine-seen. Napangiti ako nang magsend din sya ng selfie na nagkakape, kasama nya pa si Berry, yung cute na cute na pusa nya. Gusto nya talaga lagi ng kasama or kasabay habang nagkakape. Kaya nga siguro kami naging coffee buddy.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon