"Good communication is just as
stimulating as black coffee,
and just as hard to sleep after."
-Anne Lindbergh
***
"Kailangan po ba talagang sumama sa retreat?" Tanong ko sa dean namin. "Open forum lang naman po 'yon tapos maglalabas ng sama ng loob o kaya magpaplastikan." Gusto ko sanang sabihin pero 'wag na lang.
"Kailangan," maikling sagot ng dean namin habang nakangiti sakin.
"Okay po. Thank you po," sagot ko at lumabas ng office nya. Mabilis naman akong kausap. Parang gusto ko tuloy lagnatin para hindi makasama.
At dumating ang araw ng retreat nang hindi ako nagkakasakit kaya ang ending...
"Okay guys, you can now find the half of the paper you're holding to know your partner!" At ginawa namin ang sinabi ng host.
Oh shit! Sa dami ng pwede kong maging partner, why her? Why Angelica? Hate this.
Magkasama kami ni Angelica na naghahanap ng kung ano mang pinapahanap samin na hindi ko alam dahil hindi ako nakikinig at dahil wala akong interes sa retreat na 'to.
"Alam mo ikaw lang ang tumatawag sakin ng Angelica, lahat sila Angel." Yeah, naging habit ko na ang magpaikli ng mga pangalang itatawag ko kahit kanino, but... I don't want to call her Angel... anymore, hindi bagay. Dati naman, Angel ang tawag ko sa kanya until that day...
Napahikab ako sa sobrang antok, malamang Ten, idiot! Tumayo ako at nagpunta sa literature corner dito sa library kung saan nag-aayos ng mga libro si Lance.
"Lance, alam mo ba kung nasan sila?" Referring to our other blockmates, wala kasi kaming klase at may dalawang oras pa na vacant time.
"Nasa canteen daw sila." Habang tuloy pa rin sya sa pagbabalik ng mga libro sa shelves.
"Thanks." Ibinalik ko na ang earphone sa tenga ko kahit na wala namang tunog dahil lowbat na ang cellphone ko at saka lumabas ng library.
Pagpasok ko pa lang sa canteen ay may mga ilang mata na ang napatingin sa'kin. What?! Artista ba 'ko? This is why I hate this kind of place. Okay lang yan Ten, 'wag mo silang pansinin, naka-earphones ka din, wala kang naririnig. Panloloko ko sa sarili ko.
Nakita ko agad ang iba kong blockmates na nakapalibot sa isang table sa bandang dulo, nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Parang ayoko namang basta makiupo doon, gusto ko sanang tumabi kay Jorie kaya lang walang bakanteng upuan. Naupo na lang ako sa kasunod ng table nila pero hindi ko alam kung napansin nila 'ko. Pwede na 'kong ninja! Usual na kwentuhan lang ng kung ano-ano ang naririnig ko sa kanila, nakakaantok talaga, parang gusto ko na lang umuwi o kaya tumigil pag-aaral.
Ipinatong ko ang mga braso ko sa mesa at saka tumungo.
"Excuse me, alam nyo kung nasan si Fritz?" Tanong ng isang 'di pamilyar na boses na sigurado akong nagtatanong sa mga blockmates ko.
"Hindi eh pero baka nasa X Bytes sa labas—kasama yung boyfriend nya." X Bytes—computer shop sa labas ng campus kung san madalas tumambay si Fritz at ako.
"Sige, thank you."
"Sa engineering department yon 'di ba?" Tanong ni Mike na malamang tinutukoy ay yung lalaking kaaalis lang na nagtanong kung nasaan si Fritz.
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.