Icha-chat ko sana si Lance para tanungin kung ano mang kalokohan ang relationship status na 'yon, pero hindi ko na ginawa dahil alam kong either dare lang yon o napagtripan ang naiwan kong phone na walang screen lock nong nag-CR ako.
I decided to deactivate my fb account. Pero naaalala ko pa rin yung notif na Kion Vergara liked your relationship status. Like? As in? Ni hindi sya nag-text or chat, o nagtanong man lang kung totoo ba yon o hindi?! Ganon na ba talaga sya ka walang pake sa relationship namin? Sa akin?! Kahit si Mac at ibang common friends namin ay nagtanong pero sya... Ah! Cool-off nga pala kami. Pero sana, hindi nya na lang ni-like di ba.
Pinikit ko na ang mga mata ko at pinilit makatulog kahit na sobrang daming tanong sa isip ko. Kahit sobrang naiinis, naiiyak at nagagalit ako pero wala akong magawa.
**********
"Huy! Okay ka lang?" Tanong ni Axl.
"Ha?"
"Ilang araw ka ng mukang lutang."
"Ah... nag-iisip ako," palusot ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sinusubukang tawagan or i-text man lang ni Kion. In-assume nya ba na wala na kami?
Napatingin ako kay Axl na natatawa. I mouthed 'what?'
"Nag-iisip ka pano murder-in si Lance? Bigyan kita ng tip?" Tanong nya habang nakangiti. See? Magiging joke talaga sa lalaking 'to ang problema ko. Akala nya siguro ay affected ako dun sa relationship status. Teka...
"May kailangan ka 'no?" Tanong ko kay Axl dahil halata naman sa tingin at ngiti nya.
"Gotcha! Hm," sabay abot ni Axl Rex ng mug ng kape sa'kin habang nandito ako sa balcony ng apartment, nakaupo at nagsesenti—joke lang, nagrerelax. "Ako naman ang magtitimpla ng kape sa'yo," sabi nya kahit na wala naman akong sinasabi. "Uhm—"
"Tinatamad ako makipag-usap," pagputol ko sa pagsasalita nya, rude na kung rude but I'm drained at isa pa, 10 pm na din. Naupo sya sa tabi ko habang nagkakape din. Simula nang magkasakit sya, tawagin akong coffee buddy at kumain kami sa Jollibee once ay bff na ang tingin nya sa'kin. Wala namang problema, madalas nga lang ay nakakairita sya sa pagiging clingy. Nag-earphone ako dahil masarap sabayan ng soundtrip ang mga ganitong moment. Kinuha nya sa isa kong tenga ang earphone at sinuot nya. See? Wala akong energy para makipag-argue o kung ano man kaya hinayaan ko lang sya.
Sa gitna ng pagsa-sountrip namin, bigla syang lumingon sakin, bahagya akong nagulat kaya napatingin ako sa kanya.
"Ikaw lang ang nakilala kong babae na nagustuhan ang kantang 'to." Akala ko kung ano na. Sumagot lang ako ng 'talaga?' at hindi na ulit umimik. Isa nga 'tong Caraphernelia ng Pierce the Veil ang paborito kong pakinggan ngayon.
Nang mapansin nyang naubos ko na ang kape ko ay kinuha nya sakin ang mug na hawak ko.
"Ako na maghuhugas," presinta nya. Kinuha ko ang earphone ko at tumayo na para sana pumasok na sa kwarto at matulog. Pero nakaupo pa din sya at mukhang wala pang balak matulog habang nakatingin sakin na may awkward smile.
"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko.
"Ano... pwede mo ba 'kong tulungan sa surprise ko kay Liezl?"
**********
Nakita ko syang naghihintay na sa labas at nakasandal sa may pader habang nakapamulsa, hindi ko mapigilang manghinayang, kung isa lang syang masungit-pa-mysterious-type-of-guy, pwedeng-pwede syang maging isang wattpad character na malamang ay kakikiligan dahil sa totoo lang ay may itsura naman sya, oo, medyo gwapo sya. Pero hindi e, isa syang madaldal-makulit-at-nakakapeste-paminsan-minsan-type-of-guy. Bumaba na 'ko ng hagdan, napatingin sya sa'kin ng makalabas ako. Okay? The human smiling emoticon?
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.