Six - "Hindi."

53 5 1
                                    


"Pupunta lang akong library," sabi ko kay Jorie pero alam kong narinig din ng iba. Tumayo na 'ko at naglakad palabas ng canteen at inilagay ang kanang kamay ko sa bulsa ng pleated skirt ko. Kaya ayokong sumasama sa kanila, ako na naman ang topic nila. Well, kahit naman wala ako. Hindi siguro ako ganito sa kanila kung sumagot lang ako noon ng 'hindi'.



Napatigil ako ng makalabas ng entry lobby ng school building, tumingin ako sa kalangitan, bukod sa madilim na dahil pagabi na, umiiyak ang langit, masarap sabayan ng mainit na kape. Ang drama ko e umuulan lang naman, ang dami kong sinabi. Hindi nyo naitatanong minsan may pagkamakata ako.


"Nasan payong mo?" Napatingin ako sa babaeng nagtanong sa kasama nyang lalaki na tingin ko ay boyfriend nya.

"Naiwan ko," sagot ng lalaki.

"We? Andyan sa bag mo e," pa-cute na sabi nung babae. Tss

"Sukob na lang tayo."

"Yoko nga!" Pabebe amp!

"Promise. Iniwan ko nga yung payong ko."

"Bakit?" Leche pigilan nyo 'ko!

"Basta." Malamang para isang payong lang gamit nyo tapos makaakbay sayo o kaya maka-chansing sya sa bewang mo tapos para magmukha kayong sweet! Tss palasak na moves! Mga punyeta! 'Di ako bitter ah, 'di talaga.

"Bakit muna?" Tanong nung babae na parang mapupunit na yung pisngi sa pagkakangiti. "Bakit nga?" Pagpapaamin nya sa lalaki na halata namang alam nya ang sagot. Pigilan nyo 'ko, hindi pa ko handang makulong sa salang pagpatay! Buti na lang at umalis na din sila bago ako makakuha ng tubo at murder-in sila.


"Tss hambalusin ko kayo ng payong e!" Kinuha ko ang payong ko sa bag at binuksan 'to dahil pauwi na 'ko galing sa huling klase ko ngayon kung saan nakapartner ko si Axl sa project. And speaking of that subject, napangiti ako sa isip ng maalala na naipasa ko 'tong naging back subject ko. At sa wakas natapos din ang pagiging mag-partner namin ni Axl. Yosh! And I changed the plot too. Hindi ko kinakausap si Axl kapag hindi tungkol sa project namin o school matters. At ngayong tapos na ang project at pagiging magpartner namin, wala ng dahilan para kausapin o pansinin ko pa—


"Tristen!" Anak ng pvta! Bakit ba nakalimutan ko na naman mag-earphone?

"Ten, saglit!" Nilingon ko ang loob ng building para makita ang tumatawag sa'kin, kita mula sa dalawang malaking bukas na pinto si Axl na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nagtaka ako nang nasa pinakahuling baitang na sya ng hagdan ay umupo sya, akala ko dahil sa pagod pero nakita ko syang inabot ng dalawang kamay ang sintas ng sapatos nya.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan? Yung totoong magkaibigan?" Tanong nya ng hindi tumitingin sa'kin dahil nagtatali sya ng sintas at may diin ang salitang 'totoo'. Anong klaseng tanong yon? Corny ah. Bakit ba ang kulit ng lelong nito? Ka-close naman na nya yung mga blockmates namin, nakukulangan pa ba sya sa kaibigan? Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nakatingin lang ako sa kanya. Napatingin ako sa paligid at napansing walang mga estudyante o dumadaang mga tao, sigurado namang hindi nya matatanong sa'kin yan kung may mga tao lalo na't nag-e-echo sa lobby ang boses nya. Weird... sinadya ba 'to ng tadhana?

"Oo o hindi lang." Magkatapatan kami at pagitan ang bukas na pinto ng building habang nakaupo pa rin sya sa hagdan, nakapatong ang mga siko sa kanyang tuhod at ngayon ay nakatingin na sa'kin. Minsan ang cool nya tingnan, naaalala ko sa kanya si—

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon